43 0 55KB
MGA HAKBANG SA PAGSUSURI NG PONENA AT MORPEMA Mga Hakbang sa Pagsusuri ng Ponema 1. Pagkuha ng mga impormante Ang impormante ay taong ang kaniyang unang wika ang sinusuri. Kung ang impormante at ang nagsusuri ay may “common language”, ang pagsusuri ay hindi gaanong mahirap. Kung ang impormante at ang nagsusuri naman ay walang “common language”, gumamit ng mga tulong-biswal. Pandiwa ang hihingin ng katumbas gayundin sa pang-uri.
2. Pag- iimbento sa iba’t ibang tunog na naitala
Papakinggan nang paulit-ulit ang mga pinagsususpetsyahang tunog sa tape recorder. Pagsama-samahin ng pansamantala ang mga pinagsususpetsyahang tunog o pinagdududahang magkatulad (alopono). Sa pagkaklasipika, ang isang tunog ay mapasama sa higit isang pangkat. Sa pagkaklasipika, huwag nang pagsamahin ang mga tunog na masyado ng magkalayo; mga hindi alopono ng iisang ponema.
Halimbawa: [m], [k], [kʰ] Ang [m] at [k] ay halatang hindi magkapares (magkaibang ponema) kaya’t marapat lamang na paghiwalayin. Ang [k] at [kʰ] naman ay maaaring alopono ng iisang ponema kaya ang mga ito’y ituturing na ‘suspicious pairs’.
3. Pagsuri o pag-aaral sa distribusyon ng pinagsususpetsyahang pares o grupo ng mga tunog
mga
Gumawa ng hypothesis o haka/palagay tungkol sa distribusyon ng sinuring mga tunog. Ito ay maaaring nakabatay sa obserbasyon ng nagsusuri o di kaya’y sa pagtutulad ng mga napag-aralan nang grupo ng mga tunog.
4. Pagsubok kung tama ba ang haka sa pamamagitan ng paggawa ng tabulasyon
Distribusyon ng bawat tunog sanhi ng nagiging impluwensya ng ipinagpalagay na salik. Dapat maging maingat ang nagsusuri upang masigurong ang mga resulta ay mapananaligan. Bawat isa sa sinusuring pangkat ng tunog ay kailangang umayon sa ibinigay na palagay o hypothesis. Subalit, kung mapatunayan na hindi maaari ang ibinigay na haka ay mangyaring gumawa ng panibagong haka at subukan ito sa panibagong tabulasyon. Kung ang lahat ng haka o palagay ay sadyang nasisira, maaaring ipagpalagay “pansamantala” na ang dalawang tunog na sinusuri ay magkahiwalay at magkaibang ponema.
Halimbawa: Ang pagsuri ni Gleason (1965) sa ilang salitang Kastila INGLES Havana ball rope kiss wedding burro we give God to owe where but dog pipe heavy tobacco * "8"
"gg"
TRANSKRIPSYON [avana] [bola] [baȣa] [beso] [bođa] [buṝo] [damos] [Dios} [deveř] [donde] [peṝo] [peṝo] [pipa] [pondeṝoso] [tavako] "ŕ"
"rr"
"đ"
INGLES to endure to earn cat throat to enjoy house Cuba lake nothing knot cigar I put I have all grape
TRANSKRIPSYON [duṝaṝ] [ganar] [gato] [gola] [gosaṝ] [kasa] [kura] [laȣo] [nađa] [nuđo] [siȣaro] [poŋgo] [teŋgo] [tođo] [uva]
"dd"
5. Muling pagkikita ng nagsusuri at ng impormante Upang makalikom pa ng mga kailangang data at upang malinaw ang mga bagay-bagay na tanging ang impormante lamang ang makakagawa.