Kaalaman Sa Mga Pagbabago Sa Ortograpiya NG Wikang Filipino [PDF]

  • 0 0 0
  • Gefällt Ihnen dieses papier und der download? Sie können Ihre eigene PDF-Datei in wenigen Minuten kostenlos online veröffentlichen! Anmelden
Datei wird geladen, bitte warten...
Zitiervorschau

I.

KONTEKSTO AT RASYUNAL Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago. Ito’y aktibong umuunlad at lumalago sa

pagsasalin-salin ng mga henerasyon, at sa walang patid na paggamit sa pag-iisip, pagsulat at sa pakikipagkumunikasyon. May iba’t ibang gamit hindi lamang pagbigkas pati na rin ang pagbaybay.  Malaki ang naiambag ng pagbaybay sa buhay ng tao sapagkat sa pagbaybay ay natututo tayong magbasa, magsulat ng mga letra at salita hanggang makabuo ng isang pangunugusap. Subalit kahit palagiang ginagawa ang pagbaybay ng mga salita, sa panahon ngayon ay suliranin pa rin ang pagbabaybay kasama na ang pangpapantig at panghihiram ng mga salitang dayuhan. Di maikakaila na isa ito sa problemang kinakaharap ng paaralan mapa pribado at pampubliko. Di lamang sapat na dahilan ang di nakapag-aral kung kaya’t kinakahirapan ang pagbabaybay bunga na rin marahil ito ng makabagong panahon. Ang papaunlad na teknolohiya ang naghahatid ng bagong kaalaman kung kaya’t kaanlinsabay nito ang pagbabago ng Ortograpiyang Filipino na maaring magbunga ng pagkalito lalong-lalo na sa karamihan na hindi alam ang angkop na pagbabaybay. Taong 2001, naglabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng mga tuntunin sa tamang pagbabaybay ng mga salita sa Filipino at ito ay nakapaloob sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa. Sinasabi dito na muling magkakaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang matugunan ang patuloy na debelopment o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Maaring gamitin ang mga hiram na salita anuman ang varayti o ang tinatawag na karaniwang salita. Noong taong 2008, naglabas muli ang KWF ng gabay sa Ortograpiyang ng Wikang Filipino at itinakwil ang radikal na rebisyon noong 2001 at mas binigyang halaga ang status quo, bagaman ginawa ng opisyal ang ilang aspeto nito.

1

Bunga ng maraming usapin at pagbabago, at sa patuloy na pagyabong ng pag-unlad ng teknolohiya labis na naaapektuhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na sa pagsulat, pagbabaybay at pagpapantig ng mga hiram na salita. Pinaiikli at binabawasan ang mga letra at magkaminsa’y pinapalitan ang mga salita ng mga numero na nagiging dahilan ng paghina ng kapasidad ng mga mag-aaral. Ang mababang pagganap sa pagsusulit ng mga mag-aaral sa pagbabaybay at sa pagsulat sa ispeling ng mga salitang hiram ay isa sa suliranin na kinakaharap ng mga guro sa Filipino sa Paaralang Elementarya ng Evangelista. Mula sa limampung kalahok (50) sa ginanap na Paligsahan sa Ispeling: IISPEL MO! Antas pampaaralan, 5 o 10 porsyento lamang ang nakakaalam ng tamang ispeling lalong higit ng mga salitang hiram. Bunga marahil ng mga sagabal sa pagkatuto o di rin kaya sa kakulangan ng estratehiyang ginagamit ng guro. Ang resulta sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa Kagawaran ng Edukasyon sa walang pagod na pagsusulong ng makalidad na Edukasyon para makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang na literasi. Isa sa mga kompetensi na makikita sa K to 12 Gabay Pangkurikulum sa asignaturang Filipino mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang ang pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang hiram kaugnay ng iba pang asigntaura. Sa bagay na ito, nararapat pagtuunan ng pansin ng mga guro sa Filipino ang mga pagbabago sa Ortograpiyang Filipino at maituro ng may wastong gabay sapagkat isa ito sa magiging daan sa mabisang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa Batas Republika Blg.10533, kinilala bilang Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon 2013 ni Pangulong Benigno Aquino III, na kung saan mula sa inang wika (MTB-LE) dahang-dahang ipakikilala ang Filipino at Ingles bilang mga wika ng panturo. At bilang guro sa asignaturang Filipino, isang malaking responsibilidad na mapatuto

2

ang mga mag-aaral sa limang makrong kasanayan, ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood. Ang mga nabanggit na dahilan ang nag-akay sa mananaliksik kung kaya’t ang interbensyong I-SPELP ay isinusulong bilang interbensyon upang matugunan ang suliraning kinakaharap ng paaralan. Ang Interbensyong I-SPELP o Interaktibong Sanayan sa Palabaybayan at mga Estratihayang Lilinang sa Pagkatuto ay binuo upang malinang ang kakayahan ng mga magaaral sa pagbabaybay, pagpapantig, panghihiram ng salita at mapalawak ang kaalaman sa mga pagbabago sa Ortograpiyang Filipino. Makatutulong ito sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Magagamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin at karanasan at makakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat. Ang interbensyong ito ay binubuo ng mga gawain na makahihikayat sa mag-aaral. Makapagpapantig at makabubuo ng salita habang nag-aaliw sa mga larong kaakibat ng gawain. Makapagbabaybay at maisusulat ang mga hiram na salita habang nalilinang ang kakayanan sa sining gamit ang iba’t ibang kulay.

Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Ang pagsusulong ng estandardisasyon at modernisayon ng ortograpiya ay malaking ambag sa pagkamit ng layunin at mithiin ng edukasyon. Tugon dito ang inilabas ng Komisyon ng Wikang Filipino na Binagong Ortograpiyang Pambansa. Layunin ng naturang ortograpiya na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wika tungo sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na maaaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas (Almario, 2014).

3

Batay sa datos na natuklasan sa pananaliksik na isinagawa nina Marasigan et.al (2019), ang mga guro ay mayroong sariling pamamaraan ng pagtuturo ng katutubong salita bagaman may mga katutubong salita pa rin ang hindi lubos na maunawaan at magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipagtalastasan. Maraming dahilan ang nakaaapekto sa hindi paggamit ng mga ito, una ay hindi lubusan ang pagkaunawa ang bagong tuntunin ng makabagong ortograpiyang pambansa Sa tinurang ito nang mananaliksik, malaki ang kaugnayan nito sa kasalukuyang pananaliksik sapagkat binigyang diin na kinakailangang bigyan ng pansin ang pamamaraan sa pagtuturo.Ang kakayahan ng guro na makapagsalin ng karunungan sa kanyang mga mag-aaral ay nakasalalay sa kanyang kahandaan gayundin sa estratehiya sa pagtuturo na kanyang gagamitin. Nararapat na ang guro ay mapamaraan sa pagtuturo at maging matalino sa wastong paggamit ng mga salitang hiram maging katutubong salita

sa pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan sa mga mag-aaral upang ang mga ito ay patuloy na maikintal sa kanilang isipan. Sa pananaliksik na isigawa ni Mocling (2018), ang paggamit ng modyul Spell Me ay nakapagpataas ng kaalaman sa mga mag-aaral sa Baitang 8 sa pag-iispel ng mga karanaiwang salitang kinamamalian ng mga mag-aaral sa asignaturang English. Batay sa kinalabasan ng kanyang pag-aaral, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay makukuha sa pamamagitan ng pantay na eksposyur sa paggamit ng teknolohiya at iba pang babasahin na naglalaman ng mga salitang kinahihirapang baybayin. Sa pamamagitan nito, magiging pamilyar na sila sa mga salita at maisusulat na nila ito ng tama. Masasabing may kaugnayan ang kasalukuyang pananaliksik sa naunang pag-aaral dahil malaki ang maitutulong ng mga interbensyon at estratehiya sa pagpapatuto sa mga mag-aaral. Ang adhikaing mapatuto ang mga mag-aaral sa iba’t ibang kasanayan ay hindi magtatagumpay

4

kung walang interbensyon o istratehiyang gagamitin ang guro . Ang mga istratehiya ang magsisilbing gabay ng mga mag-aaral at magiging matibay na sandigan upang mahasa ang kaalaman. Ito ang papanday sa araw-araw na pagsasanay na gagawin sa tulong na rin ng mga babasahing gagamitin. Ang kahalagahan nang paggamit ng teknolohiya ayon sa pagtalakay ni Mata (2015), ay kailangan ng sinumang guro upang mas maibigay ang pangangailangan at kaalaman ng mga mga-aaral. Magiging mas epektibo ang kanilang pagtuturo kapag ang kanilang paraan ay naaayon sa hilig ng kanilang mga tinuturuan. Mayroong pagkakaugnay ang dalawang pag-aaral. Sa pagtuturo sa palabaybayan ay maaaring gumamit ng makabagong teknolohiya. Ito ay mabisang motibasyon na makakahikayat ng madali sa mga mag-aaral. Hindi maitatanggi ang pagkahilig ng mga ito sa makabagong nauuso sa kasalukuyan. Ang pagkatuto ay kasingbilis ng paggoogle sapagkat bukas ang isipan sa pagtanggap ng bagong kaalaman. Ang mga nabanggit na kaugnay na literatura at pag-aaral ay may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik. May

mga datos at impormasyon na makatutulong sa

pagsasagawa ng kasalukuyang pag-aaral. Ang pagtugon sa pangangailangan ng mga magaaral at layuning malinang ang mga kasanayan ang nagsisilbing pagkakaugnay ng bawat pagaaral. Balangkas Teyoritikal Sa bahaging ito ay tatalakayin ng mananaliksik ang mga batayang teyoritikal na magiging pundasyon ng kasalukuyang pag-aaral. Ibinatay ang pag-aaral na ito sa teoryang Progresivismo ni John Dewey (Clement, 2016) na nagbibigay- halaga sa interes at pangangailangan ng mga mag-aaral bilang sentro ng pag5

aaral. Ang bawat aralin ay dapat angkop sa mga mag-aaral kung saan magagamit nila iito sa pang-araw-araw na buhay. Sinuportahan ito ng teoryang Reconstructionism (Mondelo, 2015) na nakapokus naman sa pagbabagong nagaganap sa lipunan. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang paaralan ang dapat na maging pundasyon ng mga alituntunin at pag-unlad na maaaring maganap sa loob ng lipunan at ang mga guro ay nararapat na gamitin ang kanilang impluwensiya nang sa ganoon ay mahikayat ang mga mag-aaral sa paghubog ng lipunang kanyang ginagalawan.

Balangkas Konseptwal DV

IV

Antas ng kaalaman sa mga pagbabago sa Ortograpiyang Filipino ng ekspiremental na grupo  Ispeling  Pagpapantig  Panghihiram

Antas ng kaalaman sa mga pagbabago sa Ortograpiyang Filipino ng kontroladong grupo  Ispeling  Pagpapantig  Panghihiram Paunang pagtataya Paunang pagtataya

Paunang pagtataya

Panapos na Pagtataya

Panapos na Pagtataya

Kagamitang Panturo Pigura 1- Paradyam ng Pag-aaral

6

II.

Mga Tanong sa Pananaliksik Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

Paaralang Elementarya ng Evangelista ukol sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino ayon sa ispeling, pagpapantig, panghihiram at makabuo ng mga kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatuto. Ang mga sumusunod na suliranin ay ihahanap ng kasagutan: 1. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kontroladong grupo sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino bago gamitin ang Interbensyong I-SPELP ukol sa: a.

Ispeling

b.

Pagpapantig

c.

Panghihiram

2. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa eksperimental na grupo sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino bago gamitin ang Interbensyong I-SPELP ukol sa: a.

Ispeling

b.

Pagpapantig

c.

Panghihiram

3. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kontroladong grupo sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino matapos gamitin ang Interbensyong ISPELP ukol sa: a.

Ispeling

b.

Pagpapantig

c.

Panghihiram

7

4. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa eksperimental na grupo sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino matapos gamitin ang Interbensyong ISPELP ukol sa: a.

Ispeling

b.

Pagpapantig

c.

Panghihiram

5. May makabuluhan bang pagkakaiba ang resulta ng panimulang pagtataya bago gamitin Interbensyong I-SPELP? 6. May makabuluhan bang pagkakaiba ang resulta ng panapos na pagtataya matapos gamitin ang Interbensyong I-SPELP? 7. May makabuluhan bang pagbabago ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa panimula at panapos na pagtataya gamit ang interbensyong I-ISPELP? 8. Anong kagamitang panturo ang maaring mabuo batay sa kinalabasan ng pag-aaral?

III.

IMINUNGKAHING INOBASYON /INTERBENSYON Ang mungkahing interbensyong Interaktibong Sanayan sa Palabaybayan at

Estratehiyang Lilinang sa Pagpapatuto (I-SPELP) ay mga kalipunan ng mga sanayan sa palabaybayan na gagawin ng guro kalakip ang iba’t ibang estratehiya tulad ng Pagugulungin Ko, I-ISPEL Mo, LAYN-UP N’yo, I-ISPEL Ko, Kukulayan Ko, I-ISPEL Mo, Basagin Mo, I-ispel Ko, Panuto’y Sundin Mo, I-Ispel Natin ‘To, I-PANTIG MO, isusulat Ko, I-CUT KO, Pantigin Mo, I-DROWING Mo, Papantigin Ko, PIPITASIN Ko, I-PANTIG N’yo at PILAS-PANTIGAN na makakapagbigay interes sa mga mag-aaral sa pagsulat ng tamang ispelling , pagpapantig at panghihiram ng mga salita.

8

Ang Interbensyong I-SPELP ay inaasahang makapanghihikayat sa mga mag-aaral na gawin ng nag-iisa, dalawahan at pangkatan na makapagpapaunlad ng kaalaman sa palabaybayan. Ito ay naiiba sapagkat ang mga gawaing kalakip nito ay nakapukos sa pagpapaunlad ng kaalaman sa mga mag-aaral (pupil-centered activity). Maaaring isagawa sa loob at labas ng silid-aralan maging sa tahanan. Maraming sakop na kasanayan ang nakapaloob sapagkat sa pamamagitan ng nakahalayhay na gawain ay malilinang ang aspetong pangkaisipan, intelektwal, emosyonal at sosyal ng mga mag-aaral.

IV. a.

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL Respondente at / o Iba Pang Pinagkunan ng Impormasyon Ang respondente ng pag-aaral ay binubuo ng tatlumpong mag-aaral mula sa Ikalimang

Baitang sa Paaralang Elementarya ng Evangelista.

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang

talaan ng bilang ang respondenteng gagamitin sa pag-aaral na ito. Talahanayan 1 Bilang ng mga Respondente Pangkat

Populasyon

Sampol

Kontrolado

38

15

Eksperimental

38

15

76

30

Kabuuan

Gagamitin ng mananaliksik ang random sampling (fishbowl technique) sa pagpili ng respondente. Ang pangalan ng mga mag-aaral ay isusulat sa malinis na kapirasong papel at ilalagay sa isang garapon. Bubunutin ang unang dalawang kalahok. Ang isa sa kanila ay parandom na itatakda sa eksperimental na pangkat at ang isa naman ay sa kontrol na grupo. Ang 9

sumunod na mga kalahok ay itatalaga rin sa ganoong paraan. Ang proseso ay tuloy-tuloy hanggang sa ang lahat na mga kalahok ay maitakdang lahat o hanggang sa makompleto ang kailangang bilang ng mga kalahok. Pinili ng mananaliksik ang nasa Ikalimang baitang sapagkat ang mga mag-aaral na ito ay isa sa nasa antas intermediya na kinakailangang linangin ang kakayahan at kaalaman sa mga

pagbabago

sa

Ortograpiyang

Filipino

bilang

paghahanda

sa

malalim

na

pakikipagkomunikasyon at pagharap sa mga pagbabagong nagaganap sa wika sa paglipas ng panahon.

Pagkuha ng Datos Sa paraan ng pagkuha ng datos ang mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa punungguro ng paaralan sa pagsasagawa ng pag-aaral at sa mga magulang ng mga respondente na sasasailalim sa gagawing pag-aaral. Gagamitin sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ang teacher-made-test na binubuo ng tig-tatatlumpong (30) aytem sa ispeling, pagpapantig at panghihiram. Ito ay nakategorya sa madali, katamtaman at mahirap. Para maging maayos at magkaroon ng kawastuan ang pagsusulit (teacher-made-test), ipasusuri at ipapabalideyt sa mga gurong nagtuturo at dalubhasa sa asignaturang Filipino. Ang mga respondenteng nabibilang sa eksperimental at kontrolado ay bibigyan ng paunang pagtataya (pretest) sa ispeling, pagpapantig at panghihiram ng salita, pagkatapos sasailalim ang unang grupo (eksperimental) sa interbensyon, samantalang ang ikalawang grupo (kontrolado) ay di sasailalim sa interbensyon at parehong bibigyan ng huling pagtataya

10

(posttest) katulad ng panimulang pagtataya. Bibigyan ng interpretasyon ang mga nakuhang datos at paghahambingin kung mayroon bang pagkakaiba ang paunang pagtataya sa panapos na pagtataya bago at matapos gamitin ang interbensyong I-ISPELP.

Plano sa Pagsusuri ng mga Datos Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng kwantitatibo at quasi- experimental na pananaliksik. Ang kwantitatibong pananaliksik ayon kina Adaya et al. (2016), ay obhetibo na masusukat at malilikom ang datos gamit ang mga kasangkapan tulad ng estadistika. Deduktibo ang prosesong pinagdadaanan sa pagbuo ng disenyo dahil ang pangunahing layunin nito ay matiyak at malinaw na makalap ang mga detalye. Layon ng quasi- experimental na paraan ng pag-aaral na malaman na kung ano ang kaukulang sitwasyon o kundisyon sa pag-aaral na ito. Maipakita ang natural na phenomena at masuri ang kabisaan ng interbensyon sa pagpapatuto sa mga mag-aaral (Mangmang, 2015). Gagamitin din ang palarawan at inferesyal na istadistika. Sa palarawang istadistika gagamitin ng mananaliksik ang frequency, mean at percentage upang mailarawan ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga salita. Upang suriin ang kabisaan ng interbensyong I-SPELP sa antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa pagbabaybay, pagpapantig at panghihiram ng salita , ang t-test independent sample ay gagamitin upang matiyak kung may mahalagang pagkakaiba ang pagganap ng mga mag-aaral sa panapos na pagsusulit ng dalawang samples. Samantala, upang matukoy naman ang epekto ng interbensyon sa pagganap ng mga mag-aaral, ang t-test dependent variable ang gagamitin sa experimental na grupo.

11

Gagamitin din ng mananaliksik ang DepEd Order No, 8 s. 2015 sa paglalarawan ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral bago at matapos gamitin ang interbensyong I-SPELP.

Talahanayan 2 Grading Scale at Deskripsyon DESCRIPTOR GRADING SCALE Outstanding Very Satisfactory Satisfactory Fairly Satisfactory Did Not Meet Expectations (DepEd Order No, 8 s. 2015)

V.

90-100 85-89 80-84 75-79 Below 75

AKSYON RESIRTS WORKPLAN AT TIMELINE

Hulyo

Milestone at Gawain W 1

W 2

W 3

Nobyembre

Setyembre W 4

W 1

Milestone 1: Pagpaplano at Disenyo

Milestone 2: Pangangalap ng Datos Milestone 3: Pag-aanalisa ng datos Milestone 4: Pagkumpleto ng Papel na Pananaliksik

12

W 2

W 3

W 4

W 1

W 2

W 3

Enero W 4

W 1

W 2

W W 3 4

VI.

TINATANTIYANG GASTOS

Gawain Paghahanda sa mga materyales na gagamitin sa una at huling pagtataya Kabuuang Gastos

VII.

Kagamitan

Kabuuan (Quantity)

Unit Price

Total Cost

bondpaper Ink folder

2 ream 2 bottles 4 pieces

225.00 250.00 2.00

450.00 500.00 8.00 958.00

PLANO PARA SA DESIMINASYON AT PAGGAMIT Matapos maisagawa ang pananaliksik at masuri ang naging resulta, pagtutuunan ng

pansin ng mananaliksik ang mga nakatalang pamamaraan at plano na magiging gabay ng mga kasamahang guro, administrayon ng paaralan at ng iba pang mananaliksik na ang adhikain rin ay mapataas ang antas ng kaalaman sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ipakikita sa kapwa mga guro ang resulta ng pag-aaral at imumungkahi na gamitin ang interbensyong Interaktibong Sanayan sa Palabaybayan at Estratehiyang Lilinang sa Pagpapatuto (I-SPELP). Ipagpapatuloy pa ang paggawa ng iba pang aksyon riserts na makatutugon sa suliraning kinakaharap ng paaralan sa pagpapatuto sa mga mag-aaral.

VIII.

Sanggunian

Adaya, J.G., Bondame, F.R., Castillo M. A. (2016). Pagbasa at pagsusuri sa iba’tibang teksto tungo sa pananaliksik. Malabon City: Jimczyville Publications Almario, V. S. (2014). KWF: Manwal sa Masinop na Pagsulat. National Library of the Philippines. Retrieved on August 18, 2019 from http://kwf.gov.ph/wpcontent/uploads/2016/03/MMp Full.pdf Mangmang, E. (2015). Quasi Experimental Research Design. Retrieved on August 25, 2019 from https:///www.slideshares.net/erlwinmermangmang/quasi-experimental-researchdesign 13

Marasigan, L., Castillo, G., Suizo, C: (2019). Katutubong Salita: Tuon sa Kasanayang Komunikatibo. Retrieved on August 14, 2019 from http://www.apjmr.com/wpcontent/uploads/ 2019/03/APJMR-2019-7.1.05.pdf Mata, W. (2015). Importance of technology in the classroom. Retrieved on August 1, 2019 from https://centretechnologies.com/importance-of-technology-in-the-classroom/ Mondelo, G. (2015). Educational Theories: Social Reconstructionism. Retrieved on August 13, 2019 from https://www.slideshare.net/gigilumbremondelo07/educational-theories-socialreconstructionism Mocling, A. (2018). Reversing the Effect of Text Messaging on the Spelling Proficiency Through Spelling Module. Di Limbag na Aksyon Resirts Pili National High School, Dibisyon ng Oriental Mindoro

14

16

Republic of the Philippines

Department of Education DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

PAGTUKOY SA KAALAMAN SA MGA PAGBABAGO SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO SA IKALIMANG BAITANG GAMIT ANG INTERBENSYONG I-SPELP

GINALYN O. GANTE Guro III

EVANGELISTA ELEMENTARY SCHOOL

ENERO 3, 2020

16

16

16