Ang Aginaldo NG Mga Mago [PDF]

  • 0 0 0
  • Gefällt Ihnen dieses papier und der download? Sie können Ihre eigene PDF-Datei in wenigen Minuten kostenlos online veröffentlichen! Anmelden
Datei wird geladen, bitte warten...
Zitiervorschau

Ang Aginaldo ng mga Mago Talasalitaan 1. sumalagmak sa supa napaupo sa supa Sumalagmak sa lupa si Helen nang malaman niyang sumakabilang buhay na ang kanyang asawa. 2. humagibis na papalabas nagmamadaling lumabas Humagibis na papalabas si Ferleene sapagkat mahuhuli na siya sa klase. 3. nagniningning na mga mata mga matang kumikislap na para bang naiiyak Madalas kong nakikita ang nagniningning na mga mata ni Rashiela sa tuwing binabasa niya ang The Notebook. 4. kinuyom ang kadena nilagay sa palad ang kadena Marahang kinuyom ni Meirose ang kadena nang marinig niya ang yabag ng paparating niyang asawa. 5. walang katinag-tinag walang kabuhay-buhay Hindi ko maipagkakaila na walang katinag-tinag ang palabas sa telebisyon kahapon. 6. alun-along buhok kulot na buhok o buhok na may pagkakulot Hindi ko maiwasang tingnan ang alun-along buhok ni Anathalia. 7. pisnging nawalan ng kulay namumutlang mga pisngi Una kong napansin ang mga pisnging nawalan ng kulay nang tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. 8. walang bakas ng kagalakan malungkot o walang katinag-tinag Pumasok sa loob ng silid si Abdelaziz ng walang bakas ng kagalakan. 9. simbuyong pinaghahandaan pusok o udyok na pinaghahandaan Simbuyong pinaghahandaan ng mga magagaling na estudyante ng IV-Zara ang Buwan ng Wika. 10. paninging hilam sa luha paninging lumalabo dahil sa mga luhang umaapaw Kung alam ko lang ang nasa likod ng mga paninging hilam sa luha ni Sophia. Kasanayan sa Pag-unawa 1. Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kwento. Si Della Dillingham Young ay isang mapagmahal na asawa. Siya’y may pagkamahinhin at malungkutin. Si James Dillingham Young ay ang asawa ni Della. Siya ang dahilan kung bakit nag-iipon ng pera si Della upang makabili ng aginaldo para sa kanya. 2. Paano nila ipinamalas ang pagmamahal sa isa’t isa? Ipinamalas ng dalawa ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng aginaldong nabili at naihanda mula sa dalawang ari-ariang ipinagmamalaki nila nang labis. 3. Dala ng kahirapan, naging suliranin nina Jim at Della ang paghahanda ng pamasko sa isa’t isa. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang paraang kanilang ginamit upang malutas ang kanilang suliranin? Pangatwiranan. Sa aking palagay, makatwiran ang paraang kanilang ginamit upang malutas ang kanilang suliranin kung saan ibinenta o ipinagpalit nila ang kanilang ipinagmamalaking ari-arian sapagkat ang

pagmamahal na namamagitan sa dalawa ang nagtulak upang gawin nila ang pamamaraang iyon. Para sa kanila, ang pagmamahal ang siyang pinakamahalaga sa lahat at hindi matutumabasan ang halaga nito ng kanilang ipinagmamalaking kayamanan o ari-arian. 4. Itinuring na marurunong ang tatlong Haring Mago na nagdala ng alay kay Hesus sa sabsaban. Karapat-dapat din bang tawaging pinakamarunong na mga Mago sina Jim at Della? Pangatwiranan. Karapat-dapat na tawaging pinakamarunong na mga Mago sina Jim at Della sapagkat buong talinong nagsakripisyo ang dalawa para sa isa’t isa kahit na mawala ang lalong mahalagang ariariang pinagmamalaki ng kanilang tahanan. Ang aginaldong inihanda nila para sa isa’t isa ay may magagandang kahulugan din gaya ng mga alay ng mga Mago sa Sanggol sa sabsaban. Kasanayang Pampanitikan 1. Sa anong panahon kaya nangyari ang kwentong ito? Saan sa inyong palagay nangyari ito? Anong nasyonalidad mayroon ang mag-asawa? Bigyan ng patunay ang inyong mga sagot sa pagtukoy ng mga dayalogo o talata na katatagpuan nito. Sa pagitan ng taong 1905 at 1906 nangyari ang kwentong ito na ginanap noong Christmas Eve (Disyembre 24). ‘Kinabukasan noon ay araw ng Pasko..’. Sa New York City naganap ang kwento. Amerikano ang mag-asawa. ‘James at Della Dillingham Young’ 2. Kailan nagsimula ang suliranin ng kwento? Nagsimula ang suliranin nang bilangin ni Della ang naipon niyang pera na balak niyang gastusin upang makabili ng aginaldo para sa kanyang asawa. Ang perang naipon niya ay hindi pa sapat upang makabili ng mamahaling bagay na karapat-dapat na iregalo kay Jim kung kaya’t napagdesisyunan na niyang ibenta ang kanyang mahabang buhok kay Mme. Sofronie. 3. Anong uri ng tunggalian ang nilikha ng may-akda? Tao vs. Sarili ang uri ng tunggalian na nilikha ng may-akda sapagkat nagiging mapag-aalala si Della sa sariling katayuan o panlabas na anyo. Mapapansin din sa mga isipan niya ang udyok o urge na bumili ng pang-aginaldo kay Jim. 4. Naging mapanghamon ba sa inyong isipan ang wakas ng kwento? Patunayan. Mapanghamon sa aisipan ang wakas ng kwento sapagkat parang hinihimok ng may-akda ang mga mambabasa na ipagpatuloy lamang ang kinaugaliang pagbibigayan at pagtatanggap ng mga regalo sapagkat ang ganitong uri ng pag-uugali ay nagsisilbing palatandaan na tayo ay matatalino kagaya ng mga Mago. 5. Taglay ba ng kwento ang katangian ng isang kwento ng pag-ibig? Ipaliwanag. Taglay ng kwento ang katangian ng isang kwento ng pag-ibig sapagkat halata naman na dalawang mag-asawa ang pangunahing tauhan sa kwento at ang mga dayalogo at kilos nila ang nagpapatunay na taglay ng kwento ang kwento ng pag-ibig.

6. Manaliksik tungkol sa buhay ni O. Henry bilang manunulat. Ano ang tunay niyang pangalan? Ang tunay niyang pangalan ay William Sidney Porter. Isa siyang tanyag na Amerikanong manunulat dahil sa sa katalinuhan, palatinigan, matingkad na paglalarawan at matalas na paliku-likong pagwawakas na namamayani o nanginigibabaw sa mga maikling kwentong kanyang naisulat at naipamahagi. 7. Isalaysay ang mga pangyayari sa kwento ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Pagakatapos, isagawa ang pag-aantas ng damdaming ipinahahayag o napapaloob sa bawat pangyayari sa tulong ng sumusunod na grap.

Pagpapahalagang Pangkatauhan 1. Ano ang makabuluhang kahulugang inilahad sa kwento tungkol sa pagbibigay ng regalo sa Pasko? Na ang pagmamahal ang siyang pinakamahalaga sa lahat at ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng kahit anong bagay o ari-arian mahal o mura ang kahulugang inilahad sa kwento tungkol sa pagbibigay ng regalo sa Pasko 2. Sa iyong palagay, maisasakaripisyo mo ba ang mga bagay o ari-arian na mahal at mahalaga sa iyo, mapaligaya mo lamang ang iyong minamahal? Pangatwiranan. Maisasakripisyo ko ang mga bagay o ari-arian na mahal at mahalaga sa akin upang mapaligaya ko lamang ang aking minamahal kung kinakailangan. Para sa akin, ang pagmamahal ay naipapadama hindi lamang sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga mamahaling kagamitan. Ang pagiging masaya at kuntento na makapiling ang isa’t isa maging sa kasagsagan ng kahirapan o karangyaan ay sapat na upang mapaligaya ng magkasintahan o mag-asawa ang isa’t isa. Ang kwentong ito bagamat matagal nang nangyari ay di nagbabago ang mensaheng taglay. Anong pangyayari sa tunay na buhay ang nakakahalintulad ng kuwentong ito? Ang pakikipagpalitan ng regalo sa araw ng Pasko na karaniwang isinasagawa ng mga Pilipino. Ang kaganapang ito ay hindi lamang isinasagawa upang matustusan ang pangangailangan o kagustuhan ng mga tao kundi maipamalas din ang kanilang pagmamahal.