Pagsusuri Ni Pike [PDF]

  • 0 0 0
  • Gefällt Ihnen dieses papier und der download? Sie können Ihre eigene PDF-Datei in wenigen Minuten kostenlos online veröffentlichen! Anmelden
Datei wird geladen, bitte warten...
Zitiervorschau

Janena R. Pajulas

BSED-F-2

Marso 7, 2016

Pagsusuri na Ayon kay Pike Corpus: Ponetikong Data: 1. [ğipis] ‘crazy’ 2. [gako] ‘exhale’ 3. [ģubu] ‘inhale’ 4. [ģupun] ‘shirt’ 5. [ritğis] ‘to drive’ 6. [zimģu] ‘nose’ 7. [tapga] ‘kill’ 8. [gapa] ‘pretty’ 9. [punği] ‘squid’ 10. [ğiģus]‘hungry’

11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19.

[ģudo] ‘drunk’ [rinğeso] ‘pineapple’ [gagas] ‘sick’ [garis] ‘sword’ [gasi] ‘ruin’ [ģumba] ‘to dance’ [yanģu] ‘hand’ [wisği] ‘teddy bear’ [gahe] ‘weak’

1. Gumawa ng ponetikong tsart batay sa corpus. Mga Ponemang Katinig Paraan ng Artikulasyon pasara pailong pasutsot pagilid pakatal malapatinig

panlabi pangngipin panggilagid palatal velar glottal p,b t,d g,ğ,ģ m n s h r y

w

Mga Ponemang Patinig

Mataas Gitna Mababa

Harap i e

Sentral

a

Likod u

2. Pagsamahin sa bilog ang pinagsususpetsahang mga tunog. Mga Ponemang Katinig Paraan ng Artikulasyon pasara pailong pasutsot pagilid pakatal malapatinig

panlabi pangngipin panggilagid palatal velar glottal p,b t,d g,ğ,ģ m N s h r y

w

Mga Ponemang Patinig

Mataas Gitna Mababa

Harap i e

Sentral

Likod u

a

3. Itala ang mga di pinagsususpetsahang mga tunog. -Ang mga di pinagsususpetsahang mga tunog ay ang [p,b,m,t,d,n,s,r,y,w,h,i,e,a,u]. 4. Sabihin ang kaligiran ng pinagsususpetsahang mga tunog. -Ang [g] ay laging matatagpuan sa unahan ng [a]; ang [ğ] ay matatagpuan naman lagi sa unahan ng [i] at [o]; at ang [ģ] ay matatagpuan naman sa unahan ng [u]. 5. Ibigay ang haka o hypothesis. -Ang [g], [ğ], at [ģ] ay naiimpluwensyahan ng kani-kanilang sinusundang mga patinig. Ang [g] ay nagkakaroon ng pagbabago sapagkat ang [a] ay “gitna”; ang [ğ] ay nagkakaroon naman ng pagbabago sapagkat ang [i] at [e] ay “paharap”; at ang [ģ] ay nagkakaroon rin ng pagbabago dahil ang [u] ay “palikod”. 6. Patunayan na ang mga pinagsususpetsahang mga tunog ay may kanya-kanyang kaligiran. -Gagawa tayo ng isang tabulasyon mula sa corpus:

Pinagsususpetsahang mga tunog Bago ang [a] IIII-III

[g] [ğ] [ģ]

Mga Kaligiran Bago ang [i] at [e]

Bago ang [u]

IIII-I IIII-II

Napatunayang totoo ang haka sapagkat lumitaw sa tabulasyon na ang tatlong tunog na sinusuri ay may kanya-kanyang kaligiran. Sa ibang salita, ang [g], [ğ], at [ģ] ay nasa distribusyong komplimentaryo; na ang ibig sabihin, kapag natagpuan ang isang tunog sa isang distribusyon ang ibang dalawa ay hindi sapagkat mayroon din silang kani-kanilang katatagpuang pusisyon sa salita. 7. Magbigay ng kongklusyon, batay sa resulta ng pagsusuri. -Ang [g], [ğ], at [ģ] ay may kanya-kanyang kaligiran. Samakatwid, ang mga ito ay alopono lamang ng isang ponema’. 8. Gumawa ng ponemikong tsart. Ang gagamiting norm sa tatlong simbolo ay ang [g]. Mga Ponemikong Tsart ng mga Katinig Paraan ng Artikulasyon pasara pailong pasutsot pagilid pakatal malapatinig

panlabi pangngipin panggilagid palatal velar p,b t,d g m n s

glottal

h

r y

w

Mga Ponemikong Tsart ng mga Patinig Mataas Gitna Mababa

Harap i e

Sentral

Likod u

a

Ang mga ponema, samakatwid, sa wikang hypothetical na ating sinuri ay ang mga sumusunod: Mga Ponemang Katinig: /p,b,m,t,d,n,s,r,y,w,g,h/ Mga Ponemang Patinig: /i,e,a,u/