Pag Alam Sa Ponema [PDF]

  • 0 0 0
  • Gefällt Ihnen dieses papier und der download? Sie können Ihre eigene PDF-Datei in wenigen Minuten kostenlos online veröffentlichen! Anmelden
Datei wird geladen, bitte warten...
Zitiervorschau

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA Ang isang guro dapat ay maging tiyak, mabisa at marunong magtipid ng panahon sa pagtuturo at kailangang maalam siya sa mga katangian o kakanyahan ng mga Pilipino at pati na rin ang wika ng pook o ang unang wika ng mga batang kanyang tinuturuan. Sapagkat alam naman natin na ang isang bata pag maalam sa artikulasyon ng pananalita ng kanyang unang wika ay makakatulong ito para sa pag-uugnay na pag-aaral ng kanyang panglawang wika.Makakatulong ng malaki sa isang guro kapag alam niya ang unang wika ng bata at naiuugnay niya adito ang panglawang wika mg bata ay mabibigyan niya ng diin kung alinman ang kanyang mga paksang aralin. Ang isang guro dapat ay maalam sa wika dahil makakatulong ito sa kanyang pagtuturo lalo pag siya ay guro sa linggwistika. At kung ang kabuuan ng wika ay hahatiin sa tatlong antas: 1. Palatunugan o Ponolohiya – tamang pagbigkas ng mga salita at tumatalakay kung papaano nagsasalita ang isang tao. 2. Palabuuan o Morpolohiya – tungkol sa pag-aaral ng ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng mga salita. 3. Palaugnayan o Sintaksis – pag-aaral ng mga struktyur ng sentens. Ang isang guro ay kailangang malaman kung saan-saan nagkakatulad at nagkakaiba ang Pilipino at ang wika ng pook sa bawat antas na nabanggit. Alam naman natin na sa bahaging nagkakatulad ang dalawang wika ay halos o mas madali ang na matitiyak ng isang guro na walang magiging problema o suliranin ang mga mag-aaral. Subalit sa bahaging nagkakaiba ang wika ay hindi na kailangang patunayan pa ang tiyak ang isang guro ay makakaranas ng mga problema o suliranin sa kanyang pagtuturo. Bilang isang guro dapat ay maging mapanuri kung siya ay nagsasagawa ng paghahambing sa tatlong antas ng wika, 1. Kailangang niya munang suriin ang wika ng bawat pook. 2. Kailangan alamin niya muna kung anu-ano ang mga ponema ng wika ng bawat pook 3. Dapat alamin muna niya kung papaano ang set ng mga ponema ng wikang ito ay pinagsasama-sama upang bumuo ng morpema. 4. Dapat alamin din niya kung papaanong ang mga morpema nito ay pinagsasamasama upang bumuo ng iba;t-ibang pangungusap. Mga hakbang sa pagsusuri 1. Sa pagsusuri ng isa ng wika ay karaniwang inuuna ang tungkol sa palatunugan (ponolohiya) nito. Inaalam muna ng nagsusuri kung anu-ano ang mga tunog na makahulugan o ponemiko sa nasabing wika. 2. Pagkatapos ay ang ikalawang antas ng pagsusuri- ang pag-alam sa mga morpema.

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA 3. Gayundin, ang pagsusuring sintaktiko, karaniwang isinasagawa kung nasuri na ng nagsususri ang palatunugan at palabuuan ng wika. Gayunpaman may mga dalubwika na nagsisimula sa gramatika na sumasakop sa palabuuan (morpolohiya) at palaugnayan (sintaksis) at paggkatapos ay saka pa lamang tutungo sa palatunugan(ponolohiya). Mga hakbang kung papaano nagsasagawa ng pagsusuri ang isang guro sa palatunugan ng isang wika: A. Unang –una dapat isagawa ng guro ay ang pagkuha ng importante. Ang importante ay isang taong ang unang wika ay ang wikang sinusuri. Kung may isang wikang kapwa nauunawaan ng nagsusuri at ng importante, ang pagsusuri ay hindi gaanong magiging mahirap. Kung kapwa sila marunong ng Ingles, halimbawa, magtatala lamang ang nagsusuri ng mga salita sa Ingles at Pagkatapos ay ipabibigay niya sa importante ang katumbas sa wikang sinusuri. Ngunit kung walang common language na magagamit ang nagsusuri at ang importante , makabubuting gumamit ang una ng mga larawan o mga aktwal na bagay. Mabisa rin ang paggamit ng aksyon para sa mga pandiwa at pang-uri. Ang bawat salitang bibigkasin ng kanyang importante ay kailangang pakinggang mabuti ng nagsusuri upang kanyang maitala ng maayos. Ang pagtatala ay kailangang gamitin ng isang sistema ng transkripsyon na magbibigay ng isang simbolo sa bawat tunog sa mga salitang bibigkasinng importante. Higit na magsimula muna sa mga salita sa halip na sa mga parirala o pangungusap sapagkat may kahirapang pakinggan, gayahin, at itranskribe ang mga may kahabang pananalita. Karaniwan nang ang pagtatanungan ay nagmumula sa mga pangalan ng mga karaniwang bagay sa paligid. Kung sanay na ang mga importante ay maaari ring magsama ang mga pandiwa at pang-uri. Makakabuting ipabigkas ng tatlong beses sa importante ang bawat salita. Kung may mabuting taperecorder, mabuti ring irekord ng nagsusuri ang pagbigkas ng importante. Sinasabi nating ‘mabuting’ taperecorder sapagkat kung hindi rin lamang makakahawig na makakahawig ng orihinal ang boses ay makabubuti pang huwag nang irekord. Kalabisan nang sabihin pang ito ang pagmumulan ng maling transkripsyon. At kung mali ang transkripsyon, tiyak na magiging mali na rin ang resulta ng isasagawang pagsusuri. Habang binibigkas ang isang salita, ipinapayo ring obserbahan ng nagsusuri ang bibig ng importante. Ang totoo, kung magpakalagayang-loob na ang nagsusuri at ang importante, makabubuti paring obserbahan ng una ang loob ng bibig ng huli upang matiyak ang punto ng artikulasyon sa pagbigkas ng mga tunog na ang bibig ay nakabukas. Ang pagtatanungan ng nagsusuri at ng importante at hindi kailangang tapusin sa minsang paghaharap. May mga pagkakataon din na higit na magiging praktikal para sa isang nagsusuri ang paggamit sa isang importante, lalo na sa mga bahaging siya ay may duda. Makabubuti nang banggitin ditto na ang sistema ng mga ponema o

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA palatunugan sa unang wika ng nagsusuri ay nagkakaroon ng impluwensya sa kanyang isinasagawang pagsusuri; na kahit ang isang nagsusuri ay may sapat na kaalaman sa ganitong uri ng gawain, hindi rin niya maiwasang laging maiugnay ang kanyang unang wika sa kanyang wikang sinusuri. 1. Sa iisang ponema ay higit sa isang simbolo ang ginagamit; alalaong baga,ang mga alopono ng isang ponema ay nagkakaroon ng kanya-kanya at magkakaibang simbolo; 2. Sa dalawang ponema ay isang simbolo lamang ang ginagamit;na ang dalawang magkaibang ponema ay naituturing na mga alopono lamang ng isang ponema; 3. Ang isang makahulugang tunog o ponema ay hindi nabibigyan ng kaukulang simbolo. Nangyayari ang ganito,kalimitan, sa mga ponemang wala sa palatunugan ng wika ng nagsusuri.; 4. Ang isang simbolo ay kumakatawan sa dalawang magkasunod na ponema o ang kabaligtaran nito. Ang /c/ ng wikang Kastila ay malamang na kilalaning dalawang magkahiwalay na ponema ng isang Pilipino- /t/ at /s/ - sapagkat sa kanyang wika ay wala ng ganitong uri ng tunog. Sa kabilang dako, kung isang Kastila naman ang magsusuri sa wikang Pilipino, malamang na ang /t/ at /s/ sa mga salitang tulad ng itsura, kotse, atb. ay tumbasan niya ng isang simbolo lamang - /c/. B. Sa ikalawang hakbang ng pagsusuri ay hindi muna kakailanganin ang importante. Dito ay magsasagawa ng pag-iimbentaryo ang nagsusuri sa iba’t- ibang tunog ng kanyang sinusuring wika sa pamamagitan ng kanyang naitalang salita na binigkas ng importante. Sa mga bahaging siya ay may duda, ang bigkas ay maari niyang pakinggan ng paulit-ulit sa taperecorder.Sa bahaging ito pansamantalang pagsasama-samahin ng nagsusuri ang mga tunog na pinagsususpetsahan o pinagdududahang magkatulad o mga alopono lamang ng iisang ponema.Sa isasagawang pagkaklasipika ay maaringmangyari na ang isang tunog ay mapasama sa higit sa isang pangka.Subalit sa gagawing pagpapangkat_pangkat ay kailangang maging praktikal;alalong baga’y iwasan ang pagpapares ng mga tunog na masyadong magkalayo o magkaiba at,sumakatwid,ay hindi maaaring maging mga alopono ng iisang ponema.Halimbawa,sa tatlong tunog na [m] at [k] ay magkaibang ponema,kaya’t dapat paghiwalayin.Ngunit ang[k] at [kh] ay maaring mag alopono lamang ng iisang ponema, kaya’t magkatwirang ang mga ito’y ituring na ‘suspicious pairs’ o pinagsususpetsahang pares. MGA KATANGIAN PONEMA 1. Isang grupo ng magkakahawig na tunog. 2. Magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon. 3. May kanya-kanyang sistema ng distribusyon. 4. Wikang pinag-uusapan

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA Mapapansin sa binanggit na depinisyon na may mga sukatang dapat isaalang-alang sa pagkilala ng dalawa o higit pang tunog bago maituring na ang mga ito’y alopono lamang ng iisang ponema: 1. Ang una ay ang pagkakatulad na ponetiko o pagkakatulad ng punto at paraan ng artikulasyon. 2. Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng kanya-kanyang sistema ng distribusyon na ang ibig sabihin ay maaaring ang mga tunog ay nasa distribusyong komplimentaryo;na kaya lamang nagkakaroon ng bahagyang pagkakaiba ay dahil sa impluwensya ng kani-kanilang kaligiran. Ang pagsusuri ng iba’t-ibang wika sa Pilipinas ay mapatutunayan na may mga tunog na kahit walang pagkakatulad na ponetiko ay maaari pa ring pagsuspetsahang mga alopono lamang ng iisang ponema dahil sa impluwensya ng Kastila at Ingles. Pansinin ang sumusunod na mga halimbawa: [i] - [e] [p] - [f] [u] - [o] [d] - [r] [l] - [r] C. Ang ikatlong hakbang ng pagsussuri, Pagkatapos maiklasipika ang mga tunog, ay ang pagsuri o ang pag-aaral sa distribusyon ng mga pinagsususpetsahang pares o grupo ng mga tunog. Sunuking gumawa ng isang haka o palagay (hypothesis) tungkol sa distribusyon ng sinusuring mga tunog. Ang haka o palagay ay maaaring mabatay sa obserbasyon ng nagsusuri o sa pagtutulad ng kinalabasan ng mga napag-aralan nang grupo ng mga tunog. Halimbawa kung napatunayan na ang nagsusuri na ang [p] at[b] ay nagkokontrast o nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran , makatwiran lamang na ipalagay na ang [t] at [d] nagkakasalungatan din. Masasabing na praktikal ang ganitong palagay ,bagama’t hindi laging tumatama, kung isaalang-alang natin ang katotohanan na ang mga ponema ng isang wika ay may likas na kakanyahan sa pagiging sistematiko sa kanilang pagkakaugnay-ugnay. Alopono ang tawag sa bawat isang anyo ng mga ponema. Ang bahagyang pagbabago sa anyo ng mga ponema ay likha ng kakanyahan ng palatunugan ng wikang pinag-uusapan. Ang pinakakaraniwang dahilan ng pagbabagu-bagong anyo ng isang ponema ay ang mga sumusunod: 1. Ang unang katabing mga ponema sa una at sa huli. Halimbawa: ang ponemang /t/ ng Ingles ay may apat na alopono-[t], [th], [t-], [t’] – sa mga salitang stand [stænd] , tan [than] , sit [sit-], at water [w t r];ə 2. Ang ikalawang katabing mga ponema sa unahan at sa hulihan, bagama’t masasabing ito’y hindi karaniwan; 3. Ang pusisyon sa pantig, sa salita, o parirala,atb.; 4. Kumbinasyon ng dalawa o higit pa sa mga nabanggit sa itaas; Masasabi nating ang pagbabagu-bagong anyo ng isang ponema ay may kaugnayan sa asimilasyon o iba pang kilalang pagbabagong morpoponemiko. Ang ponemang /n/ ng wikang

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA Italyano, halimbawa, ay may mga aloponong [n] at [ŋ]. Ang huling alopono ay masusumpungan sa salitang bianko ‘white’ [biaŋko]. Nangyayari rin ang ganito sa Pilipino. Pansin na ang unlaping pang- ay nagkakaroon ng tatlong alomorp – {paŋ,pam-,pan-}- dahil sa impluwensya ng unang letra ng inuunlapiang salitang – ugat. Halimbawa: pangkasal, pambura, pantahanan. Anupa’t hindi dapat kaligtaan ang pag-uukol ng panahon sa pagsusuri sa mga nagaganap na pagbabagong morponemiko sa pagbibigay ng haka o palgay tungkol sa mga pinagsususpetsahang pares ng mga tunog. D. Ang ikaapat na hakbang , pagkatapos makapagbigay ng haka o palagay , ay ang pagsubok kung tama ang haka sa pamamagitan ng paggawa ng tabulasyon na nagpapakita ng distribusyon ng bawat tunog sanhi ng nagiging impluwensya ng ipinalalagay na salik (factor). Sa bahaging ito’y kailangang maging maingat na maingat ang nagsusuri upang matiyak na ang magiging resulta ay mapananaligan.Bawat isa sa sinusuring pangkat ng mga tunog ay kailangang umayon sa ibinibigay na palagay. Sa sandaling may tunog na matagpuan na hindi naaayon sa ibinigay na palagay, ito’y isa nang babala upang suriing ng nagsusuri ang kanyang palagay. Ngunit tandaan na ang isa o dalawang kataliwasan sa palagay hindi sapat upang palitan o modipikahin ang palagay. Maaaring ang tumataliwas na tunog ang siyang dapat siriin at baka sakaling ditto may pagkakamali, maaaring pagkakatala, pagkakapakinig, o pagkakamali ng importante. Kung mapatunayan na sadyang hindi maaari ang ibinigay na palagay, gumawa ng iba at muling subukin sa pamamagitan ng ibang tabulasyon. Kung lahat ng palagay na ibinigay ay nasisira, pansamantalang tanggapin na ang dalawang tunogna sinusuri’y magkahiwalay at magkaibang ponema. Pansamantala, sapagkat maaaring may iba pang salik tungkol sa kalagayang komplimentaryong dalawang tunog ang hindi pa napag-uukulan ng pansin ng nagsusuri. Ang unang hakbang ay ang pag-uuri-uri ng mga naitalang mga tunog ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at ang pagbibigay-haka sa mga mapag sususpetsahang pares.Ang pinagsususpetsahang mga tunog na maaaring mga alopono lamang ng iisang ponema ay magkasamang binilugan. *Paraan ng Artikulasyon Voiceless unaspirate stops Voiced unaspirate stops Voiced fricatives Voiceless groove fricative Lateral Flap and trill

p b b

t d d s l r

k g

r

vowels i u e o a

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA Nasals

m

n

n

Habang sinusuri ang nalalabi pang mga pinagsususpetsahang mga pares ng tunog upang alamin kung ang mga iyon ay nasa distribusyong komplimentaryo o mga alopono lamang isang ponema, lagi rin namang isaaalang-alang ang mga ebidensya na magpapatunay na ang mga sinusuring tunog ay magkaibang ponema. Ang isang pinakamadali at pinakapayak na paraan ay maghanap ng ‘minimal pairs’ o mga pares minimal. Gaya ng napag-aralan na natin , matitiyak natin na ang dalawang tunog ay magkaibang ponema kapag ang mga ito ay nagkokontrast o nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran. Kaya’t sa pagpili ng mga pares minimal, ay tiyakin na ang pagkakaiba ng dalawang salita ay dahil sa pagsasalungatan o pagkokontrast ng dalawang tunog na sinusuri at hindi dahil sa ibang bahagi ng mga salita. Kung ibig nating malaman kung magkaibang ponema ang [b] at [v] sa Pilipino, hindi nating maaaring kuning pares minimalang tulad ng ‘bisa’ [bi:sa?] ‘effect’ at visa [vi:sa] ‘visa’ sapagkat kung sa baybay man ay malinaw na nagkakaiba lamang sa unang titik ang dalawang salitang ito, mapapansing sa transkripsyong ponemiko ay hindi lamang isang ponema ang kanilang ipinagkakaiba: bisa /bi:sa?/ visa /vi:sa/ /bi:sa/ Mapapatunayan na hindi ang [b] at [v] ang nagbibigay ng pagkakaiba sa dalawang halimbawang salita kundi ang [?] na matatagpuan sa bias ngunit hindi sa visa. Subuking bigkasin ang /vi:sa/ nag /bi:sa/ at hindi rin nagbabago ang kahulugan, Ngunit sa sandaling dagdagan ng impit na tunog -/?/- sa dulo ng salita, mapapansin na nagiba na ang kahulugan ng salita-/bi:sa?/ ‘effect’. Ang mga pares minimal, kung sabagay ay may kahirapang hanapin sa isang wika, lalo na kung ang corpus ay hindi sapat. Sa Pilipino, tulad sa Ingles, ay may kadaliang humanap ng mga pares minimal, kung ihahalintulad sa ibang wika. Gayunpaman, mapapatutunayan din kung minsan ay may mga pagkakataong mahirap humanap ng mga pares minimal sa Pilipino. Ang pares minimal ay mahalaga pag matatagpuan , ngunit tandaan na hindi ngayo’t walang makitang pares minimal upang ipakita ang pagsasalungatan ng pinagsususpetsahang dalawang tunog, hindi nangangahulugang ang nasabing mga tunog ay mga alopono na ng iisang ponema. Malayang pagpapalitan o ‘free variation’ ay isa pa ring paraan ng pag-alam kung ang dalawang tunog ay magkaibang ponema o mga alopono lamang ng iisang ponema. Sinasabing na kapag ang dalawang tunog ay malayang nagpapalitan , ang dalawang tunog na ito ay matatagpuan sa magkakatulad na kaligiran. Sa unang tingin, maipagkakamaling mga pares minimal ang dalawang salitang ito . Subalit ang

PAG-ALAM SA MGA PONEMA AT MORPEMA dalawang salitang ito ay hindi maituturing na mga pares minimal sapagkat ang isang pares minimal ay kailangang magkaroon ng pagkakaiba hindi lamang sa tunog kundi gayon din sa kahulugan. *Tatlong kaligiran ng mga tunog 1. Kaligirang analogo (analogous environment) 2. Magkatulad na kaligiran (identical environment) 3. Kanya-kanyang kaligiran (mutually exclusive environment)