Pag-Alam NG Ponema at Morpema [PDF]

  • 0 0 0
  • Gefällt Ihnen dieses papier und der download? Sie können Ihre eigene PDF-Datei in wenigen Minuten kostenlos online veröffentlichen! Anmelden
Datei wird geladen, bitte warten...
Zitiervorschau

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY Bayombong, Nueva Vizcaya COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Graduate Program

Fil. 500- Introduksiyon sa Linggwistika Taga ulat: Bucasan, Julie J. ORAS: 2:00 – 5:00 (tuwing Sabado) GURO: Dongpan Crusaldo Oligario

MGA HAKBANG o PROSESO SA PAGSUSURI NG PONEMA “Ang artikulasyon sa pagsasalita ng isang bata na kanyang natutuhan at kinagawian sa kanyang unang wika ay nagkakaroon ng kaugnayan sa kanyang pag-aaral ng alinmang wika” “Kailangang suriin niya ang wikang pook. Kailangang alamin niya muna kung ano-anong mga ponema ng wika ng pook, kung papaanong ang set ng mga ponema ng wikang ito ay bumubuo ng morpema nito ay pinagsasama-sama upang bumuo ng iba’t ibang pangungusap”. MGA HAKBANG: 1. Pagkuha ng impormante 2. Pag-iimbentaryo sa iba’t ibang tunog/pagkaklasipika ng mga tunog 3. Pagsuri sa distribusyon ng mga pinagsususpetsahang pares o grupo ng mga tunog 4. Paggawa ng tabulasyon na nagpapakita ng distribusyon ng bawat tunog sanhi ng nagiging impluwensya ng ipinalalagay na salik. 5. Muling pakikipagkita sa impormante para sa karagdagang data. Paraan ng Gleason (1965) 1. Pag-uuri-uri ng mga naitalang tunog ayon sap unto ng artikulasyon. Magkakasamang bibilugan ang pinagsususpetsahang mga tunog. 2. Pagbibigay haka sa mga pinagsususpetsahang pares. 3. Paggawa ng tabulasyon ng suri. 4. Pagbuo ng konklusyon sa mga tuno na sinuri. Paraan ni Pike (1964) 1. Gumawa ng ng ponetikong chart batay sa corpus. 2. Pagsamahin sa bilog ang pinagsususpetsahang mga tunog. 3. Itala ang mga hindipinagsususspetsahang mga tunog. 4. Ibigay ang haka o hypothesis 5. Patunayan na ang mga pinagsususpetsahang mga tunog ay may kanya-kanyang kaligiran. 6. Magbigay ng kongklusyon batay sa resultang pagsusuri. 7. Gumawa ng ponemikong tsart. PAG-ALAM NG MORPEMA Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang

mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at ang morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat. MGA ANYO NG MORPEMA 1. Morpemang binubuo ng isang ponema ( makabuluhang tunog )  nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng [-a] hal. Propesora 2. Morpemang salitang - ugat (salitang payak) mga salitang walang panlapi  ang salitang-ugat ay tinatawag ding malayang morpema dahil nakatatayo sila ng mag-isa kahit wala silang mga panlapi hal. bahay bayani kain 3.Morpemang panlapi Mga PANLAPI: a. -an o - han  lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat hal. aklat= aklatan, manok = manukan  pook na ginaganapan ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat hal. luto = lutuan, tahi = tahian  gantihang kilos hal. damay = damayan, turo = turuan  panahon ng pagganap o maramihang pagganap hal. ani = anihan, tanim = taniman b. -in o –hin  nagsasaad ng aksyon o galaw hal. kamot = kamutin , ihaw = ihawin  relasyong isinasaad ng salitang-ugat hal. tiya = tiyahin , ama = amahin c. ka kasama sa pangkat hal. lahi = kalahi, baro = kabaro  nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng salitang-ugat hal. kambal = kakambal, galit = kagalit d. ka – an, han  nagsasaad ng pinakagitna ng salitang-ugat hal. sama = kasamaan, sulat = kasulatan  nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari hal. tindi = katindihan, bagsik = kabagsikan e. mag nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang-ugat hal. ina = mag-ina, lolo = maglolo f. pa-an  nagsasaad ng ganapan ng kilos hal. aral = paaralan, limbag = palimbagan  nagsasaad ng paligsahan ng kilos hal. galing = pagalingan,taas = pataasan g. pala - an  nagsasaad ng sistema o pamamaraan hal. bigkas = palabigkasan, tuldik = patuldikan h. pang-/pam-/pan-

 nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang-ugat hal. bata = pambata, sahog = pansahog i. taga nagsasaad ng gawain hal. laba = tagalaba, masid = tagamasid  nagsasaad ito ng doon nakatira hal. bundok = tagabundok, Baguio = taga-Baguio j. tag nagsasabi ito ng panahon hal. lamig = taglamig, araw = tag-araw k. ma nagsasaad ng pagkakaroon ng katangian hal. kisig = makisig, talino = matalino  nagsasaad ng pagkamarami hal. tao = matao, bunga = mabunga l. maka nagsasaad ng kampi o kapanalig hal. tao = makatao, bayan = makabayan m. mapag nangangahulugang “ may ugali “ hal. usisa = mapag-usisa, biro = mapagbiro n. pala nangangahulugang “ laging ginagawa “ hal. dasal = paladasal, tawa = palatawa MGA ALOMORP NG MORPEMA - ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito ALOMORP- galing sa salitang Ingles na ALLOMORPH, na hinati sa salitang griyego na ALLO ( kapara ) at MORPH ( yunit / anyo ) Pang-, Mang-, Sing- Pam-, Mam-, Sim- Pan-, Man-, Sina,e,i,o,u K,g,h,m,n,ng,w,y b,p d,l,r,s,t Panggabi Manggagawa Singgaling Pambansa Mambabatas Sim Pandikdik Mandamay Sintalino