26 0 756KB
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADO 10 IKATLONG MARKAHAN ARALIN 3.2 Panitikan : Anekdota Teksto : “Mullah Nassreddin” (Anekdota mula sa Persia/Iran) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Wika : Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota Bilang ng Araw : 5 Sesyon MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIb-77) Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIb-81) Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: - paksa - tauhan - tagpuan - motibo ng awtor - paraan ng pagsulat - at iba pa. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIb-77) Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. PANONOOD (PD) (F10PD-IIIb-75) Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube. PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIb-79) Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang diyalogo (aside, soliloquy o monologo). PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIb-79) Naisusulat ang isang orihinal na komikstrip ng anekdota. WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIb-72) Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota.
Ikatlong Markahan| 23
TUKLASIN I. LAYUNIN PANONOOD (PD) (F10PD-IIIb-75) Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube. II. PAKSA Panitikan
Kagamitan Sanggunian
Bilang ng Araw
: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. : 1 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Istratehiya: MASINING NA PAGKUKUWENTO Pagpapabasa ng isang anekdota “Si Pangulong Manuel L. Quezon at ang Magwawalis” (Buod) Sa Zamboaga, Nagkakagulo ang mga kasamahan ni Pangulong Quezon. Hinahanap nila si Pangulong Quezon. Hanap dito hanap doon ang kanilang ginagawa. Ngunit wala ang Pangulong Quezon. Samantala, sa isang malaking bato sa pangpang, isang lalaking kakisigan ang matiwasay na nakikipag-usap sa isang matandang may hawak na walis. Naghihinaing ang matanda sa lalaking makisig. Batang bata pa daw nang siya’y magsimulang gampanan ang kanyang tungkulin. Marami daw siyang anak. At hanggang ngayon nagwawalis pa rin siya. Tinatanong niya kung ano ang magagawa sa kanya
Ikatlong Markahan| 24
. ng pamahalaan. Dinadaing niya na kulang ang kanyang arawang kita at hirap makatungtong ng paaralan ang kanyang mga anak. Pinapagaan ang pakiramdam ng lalaki ang kausap nitong matandang nawawalan na ng pagasa. At pagkatapos nito, bumalik na ang lalaki sa mga kasamahan nito na gulat na gulat nang siya’y matagpuang kausap ng magwawalis. Pagkaraan ng ilang araw , dumating ang gantimpala sa matanda. Tuwang tuwa ito sapagkat tumaas ang kanyang tungkulin at nadagdagan ang kanyang sahod. Hindi alam ng matanda na si Pangulong Quezon na pala ang nakausap niya. http://docslide.net/documents/anekdota-5584495740c0f.html
Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: TANONG KO’Y SAGUTIN a. Kilalanin ang dalawang tauhan sa kwento. b. Tukuyin kung bakit ganoon na lamang ang hinaing ng magwawalis sa kanyang kausap? c. Sa iyong palagay ano ang angkop na kasabihan o kaisipan ang akma sa kwento? Ipaliwanag. 2. Pokus na Tanong a. Paano naiba ang anekdota sa iba pang kauri nito? b. Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng mga orihinal na akda? 3. Presentasyon Mungkahing Estratehiya: SINETUKLASIN Pagpapanood ng videoclip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin tungkol sa anekdota. “AKASYA O KALABASA” ni Consolation P. Conde
.
https://www.youtube.com/watch?v=7lAFuMhDY5E
Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: ROUND ROBIN a. Bakit naging abala ang mga magulang ni Iloy pagkagising sa umaga? b. Batay sa naging desisyon ni Mang Simon, anong katangian ang kanyang ipinamalas? ANALISIS 1. Bigyang katwiran ang sinabi ng punongguro, “kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng Ikatlong Markahan| 25
puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa” . 2. Paano nahimok ang ama na magbago ng isip para sa karerang ipakukuha sa kanyang anak? 3. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga posibleng mangyayari kung pinanindigan ni Mang Simon ang kanyang unang desisyon para sa kursong kukunin ng anak?
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N) ANEKDOTA Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Isang maikling salaysay na karaniwang naglalarawan ng panlahat na katotohanan o panuntunan o kaya’y isang makatawag-pansing katangian ng isang tao. Dalawang Uri ng Anekdota: 1. kata-kata - madalas na bungang isip at katatawanan ngunit madalas din na may mahalagang tinutukoy. 2. hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan. https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ano-ang-anekdota.html http://documents.tips/documents/anekdota-final.html
ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: CAR MAZE GAME Isakay ang mga salita sa sasakyan na bubuo ng konsepto ng araling tinalakay at tahakin ang wastong daan.
Kata-kata Ikatlong Markahan| 26
makatotohanan
Magbigay aliw
ANEKDOTA
APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: SHARE IT! Magbigay ng halimbawa ng anekdotang inyong nabasa o narinig sa inyong komunidad. Ibahagi ito sa klase at ibigay ang opinyon hinggil sa pangyayari / kaisipan.
IV. Kasunduan 1. Magsaliksik ng iba pang anekdota mula sa Pilipinas. Suriin at itala sa aklat-sipian ang mensaheng ipinabatid nito sa mambabasa. 2. Basahin ang halimbawa ng isang anekdota mula sa Persia, Mullah Nassreddin. a. Paano mo ilalarawan si Mullah? b. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
Ikatlong Markahan| 27
LINANGIN I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIb-77) Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota PAG – UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIb-81) Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: - paksa - tauhan - tagpuan - motibo ng awtor - paraan ng pagsulat - at iba pa. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIb-77) Nabibigyang - kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIb-79) Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang diyalogo: aside, soliloquy o monolog) . II. PAKSA Panitikan
Kagamitan Sanggunian
Bilang ng Araw
: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. : 2 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Balik- Aral
Ikatlong Markahan| 28
AKTIBITI 1. Motibasyon Pagpapanood ng isang videoclip. Noong Nagpunta Ako sa Dagat https://www.youtube.com/watch?v=iOYMtfLUIYw
Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: Fish Bone Technique a. Ilarawan ang batang nagsasalaysay . b. Sa iyong palagay tama ba ang kanyang naging katwiran sa pagpapaanod ng kabiyak nyang tsinelas? Bakit? c. Tukuyin kung anong katangian ng anekdota ang napanood? Patunayan. 2. Presentasyon Mungkahing Estratehiya: SINE TIME! Pagpapanood ng videoclip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin. MULLAH NASSREDIN https://www.youtube.com/watch?v=eJfiLfsa5v0
Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: Pass the Ball a. Batay sa ginawang paglalarawan sa akdang binas, ipakilala si Mullah? b. Aling katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit? 3. Pangkatang Gawain Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: CELEBRITY PLAYMATES! Ang grupo ay mahahati sa dalawang lupong artistahin na maglalaro bilang mga celebrity playmates. Bibigyan ng kahulugan ang salita batay sa ginamit na salitang nakahilig. a. Lumisan
b. Nalito
c. Napahiya
d. Sayangin
e. Naimbitahan
1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. 2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin. Ikatlong Markahan| 29
3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homiliya. 4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. 5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.
Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: AMBUSH INTERVIEW Tukuyin ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: GRAPHIC ORGANIZER Suriin ang anekdota ayon sa batayan sa Tsart. Batayan ng Pagsusuri
Anekdota Mullah Nassredin
Paksa Tagpuan Motibo ng awtor Paraan ng Pagkakasulat Mensahe/ Aral Nilalaman Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: MONOLOGO Nakapagsasalaysay ng nabuong anekdota sa isang diyalogo aside, soliloquy o monologo Pamantayan sa Pagmamarka (Tingnan ang inihanda ng guro)
Mga Kategorya
Napakahusay 10-9
Mahusay 8-7
Katamtamang Husay 6-5
Kaangkupan sa Task/Layunin
Ang mga datos/gawain ay inilahad ay nagpapakikita ng kaangkupan .
Angkop ang datos /gawaing inilahad.
May mga datos /gawain na hindi gaanong nagpapakita ng kaangkupan.
Kalinawan ng Presentasyon
Napakahusay ng ginawang pagpapaliwanag/ pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid.
Mahusay ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid
Maliwanag ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid.
Ikatlong Markahan| 30
Kailangan pang Paghusayin 4-1 Lahat ng inilahad ay higit na nangangailangan ng kaangkupan sa gawain. Hindi malinaw ang ginawang pagpapakita ng mensaheng nais ipabatid.
Kooperasyon
Ang lahat ng miyembro ng pangkat ay nagkakaisa at may respeto sa isa’t isa. Napakaayos ng kanilang ipinakitang presentasyon dahil lahat ng miyembro ay kumikilos sa gawaing nakaatang sa bawat isa.
May pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat miyembro. Maayos ang ipinakitang presentasyon ng bawat isa.
Dalawa sa miyembro ng pangkat ay hindi maayos na nakikilahok sa gawain.Maayos ang ipinakita nilang presentasyon at may respesto sa bawat isa.
Halos lahat ng miyembro ng pangkat ay walang disiplina. Hindi maayos ang presentasyon. Nangangailangan ng disiplina at respeto sa bawat isa.Kailangan lahat ng miyembro ay nakikipagtulungan sa gawain.
Pagkamalikhain / Kasiningan
Napakamalikhain at napakahusay ng pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon
Malikhain at mahusay ang pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon.
Maayos na napalutang ang ideya na nais ipabatid.
Walang buhay ang ipinakitang pagpapalutang ng mensahe / ideya.
Pagtatanghal ng pangkatang gawain
Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.
ANALISIS 1. Tukuyin ang pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa? 2. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kanyang pagtuturo sa mga tao? Ipaliwanag. 3. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah? Patunayan. 4. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
Ikatlong Markahan| 31
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N) Ang Kabihasnang Persiano - Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid. - Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey) - Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), -umabot ang sakop ng imperyo hanggang india. - Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap. - Royal Road- may habang 1,200 milya mula Surdis hanggang Susa. Dito naglalakbay ang mga, opisyal at mensahero. - Zoroastrianism: relihiyon ng Persia na lalong nagpatanyag sa kanila. Ipinarangal ni Zarathustra o Zoroaster. Isa itong paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at pananagumpay ni Ahura Mazda, ang diyos ng kabutihan Lipunan Kultura at Pulitika
magiting na mandirigma at matalino na pinuno ang mga hari walang takda ang kanilang kapangyarihan taliwas sa mga assyrian makatarungan ang pagpatong ng mga buwis tapat ang hari sa kanyang nasasakupan at sa kanyang mga mamayanan "dapat maging pantay sa lahat ng tao ang batas" Cyrus the Great pinaganda nila at nahigitan nila ang pamumuno ng mga assyrian naglagay ng satrapy(probinsya) upang lalo mapadali ang pamumuno ng hari sa lugar na nasasakupan niya 3 pangkat ang namumuno sa bawat sakop ng imperyo gobernador;heneral at tagasuri o mata ng hari Naniniwala sila kay Zoroaster ahura mazda:diyos ng kabutihan at ahriman:diyos ng kasamaan naniniwala sila na ang mabuting gawain ay mapapalitan din ng kabutihan at ganun din sa kasamaan Ekonomiya tulad ng assyrian ay yumaman sila dahil sa pananakop . Pag Unlad
sa pangunguna ni Cyrus the Great ay napabagsak niya ang Medes at nagsimula ang tagumpay ng mga Persiano hukbo at pinuno sa mabuting pamamalakad ni Cyrus at pagiging matapat sa kanyang nasasakupan at sa kanyang mamayanan matapat ang mga Persiano
Ikatlong Markahan| 32
sa pamumuno ni Darius,Cambeyses at Xerxes ay lalong umunlad ang imperyo Pagbagsak
kawalan ng magaling na pinuno madalas na pag away dahil sa mga lupain na nasasakupan at nawalan ng pagkakaisa sa imperyo
Ambag
relihiyon=zoroastrianismo pagbibigay ng mga karapatan sa mga taong nasasakupan nito satrapy o ang sentralisadong pamumuno http://regineran7.blogspot.com/2009/07/kabihasnang-persian.html
ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: POST IT ON THE WALL! Paano naiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?
APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: MONOLOG Lumikha ng isang anekdota na maaaring narinig o sariling karanasan. Ibahagi ito sa klase. 4. Ebalwasyon Panuto: Tukuyin ang titik ng angkop na kasagutan . 1. Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. a. anekdota c. kata-kata b. kwento d. makatotohanan 2. Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. a. Saadi c. Liongo b. Nassreddin d. Faza 3. Ito ang katangiang taglay ni Mullah na tinataglay kahit saan man magpunta. a. mahusay na magpatawa Ikatlong Markahan| 33
b. magaling umawit c. mataas na tulad ng higante d. di nasusugatan ng ano mang armas 4. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang kauri nito? a. pagpapahalaga sa kapangyarihan b. nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais ipabatid c. traydor sa kalaban upang magtagumpay d. paglilihim ng taglay na kapangyarihan 5. Ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Mullah Nassreddin”? a. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat sangayin. b. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan ay nawawala sa gayunding kaparaanan. c. Dapat matutong maging matyaga sa lahat ng oras. d. Pagsasabi ng makatotohanan bagay. Susi sa Pagwawasto: 1. A
2. B
3. A
4. B
5. A
Pagkuha ng Index of Mastery SEKSYON
Blg. Ng Mag-aaral
INDEX
IV. Kasunduan 1. Isa-isahin ang kahalagahan ng mga elemento ng tula. 2. Sumulat ng isang tulang binubuo ng limang saknong, may tugma at sukat at nagpapahayag ng pagmamalaki sa wikang iyong kinagisnan. Lagyan ito ng angkop na pamagat. 3. Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na mga ponemang suprasegmental: a. Intonasyon, Tono, Punto b. Diin at Haba c. Hinto o Antala d. Di- berbal na komunikasyon 4. Paano nakatutulong ang mga salitang ito sa pagkakaroon ng tamang bigkas?
Ikatlong Markahan| 34
PAGNILAYAN AT UNAWAIN I. LAYUNIN WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIb-72) Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota. II. PAKSA Wika Kagamitan Sanggunian
Bilang ng Araw
: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. : 1 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: IARTE MO! Gumawa ng sariling anyo ng pagpapahayag na may kaugnayan sa relasyon sa kapwa. Hal: “Simple lang naman ang hinihingi ko . Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo ako bilang kaibigan, kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.’’ Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION a. Tukuyin ang kinalabasan ng gawain batay sa kanya-kanyang karanasan? b. Ibigay ang naging pananaw sa mga halimbawang inilahad ng mga magaaral.
Ikatlong Markahan| 35
2. Presentasyon Mungkahing Estratehiya: SCENE MO ‘TO! Isasadula ang buod ng akda. Mongheng Mohametano Sa Kaniyang Pag-iisa Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia ni Idries Shah Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. pahina 258
Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: UR TURN a. Kilalanin si Saadi sa kanyang ipinamalas sa binasang akda. b. Sumasang-ayon ka ba sa naging kasagutan ng Mongheng Mohametano? Ipaliwanag. ANALISIS 1. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?. 2. Makatwiran kaya ang kanyang naging paninindigan kahit mataas ang posisyong ng taong kanyang kaharap? 3. Naging malinaw ba ang pagsasalaysay sa mga pangyayari?
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N) Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Pagsasalaysay ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay.Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa. Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:
Ikatlong Markahan| 36
1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. 2. Sapat na Kagamitan - Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari. 3. Kakayahang Pansarili - Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan ,hilig at layunin ng manunulat. 4. Tiyak na Panahon o Pook - Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay. 5. Kilalanin ang mambabasa - Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 1. Sariling Karanasan - Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay. 2. Narinig o napakinggan sa iba - Maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat. 3. Napanood - Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro at iba pa. 4. Likhang - isip - Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay. 5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay. 6. Nabasa-Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari. MGA URI NG PAGSASALAYSAY 1. Maikling Kuwento - nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. 2. Tulang Pasalaysay - Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong. 3. Dulang Pandulaan - Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal. 4. Nobela - Nahati sa mga kabanata; punong - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
Ikatlong Markahan| 37
6. Alamat - Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid. 7. Talambuhay "Tala ng buhay" - ng isang tao ,pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas. 8. Kasaysayan - Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. 9.Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar. Nagbago na ako. (Nagsasalaysay) Nagbago na ako? (Nagtatanong) ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: BRAINSTORMING Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng mga orihinal na akda?
APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: MAG-USAP TAYO! Bumuo ng pangkat na may tiglilimang miyembro, sa loob ng grupong nabuo pag-usapan ang mga naging karanasan sa buhay na nagdulot sa iyo ng aral na hindi makakalimutan. Pagkatapos, pumili ng isang kuwento na ibabahagi sa mga loob ng klase upang maging aral din sa kanila.
3. Ebalwasyon Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. a. kwento c. talumpati b. pagsasalaysay d. tulang pasalaysay 2. Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay a. sariling karanasan c. napanood b. narinig d. likhang isip Ikatlong Markahan| 38
3. Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. a. nobela c. dula b. tula d. maikling kwento Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung tama ang tinutukoy sa bawat bilang at itama kung mali ang ipinapahayag. 4. Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na nangyarihan ng salaysay. 5. Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa. Susi sa Pagwawasto 1. B
2. A
3.. D
4. /
5. /
Index of Mastery SEKSYON
Blg. Ng Mag-aaral
INDEX
IV. Kasunduan 1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental at di-berbal na palatandaan sa komunikasyon. 2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 3.2.
Ikatlong Markahan| 39
ILIPAT I. LAYUNIN PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIb-79) Naisusulat ang isang orihinal na komikstrip ng anekdota. II. PAKSA Pagsulat ng Awtput 3.2 Kagamitan : Pantulong na biswal Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015 Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al. Bilang ng Araw : 1 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estatehiya: GAYAHIN MO AKO! Pagpapakita ng ilang piling halimbawa ng komikstrip.
Sanggunian: http://pinoykomiksstrip.blogspot.com/
Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: GRAB THE QUESTION AND ANSWER a. Ano-ano ang mga napansin sa nakitang mga larawan? b. Mataposmakita ang larawan, ano ang pumasok sa iyong isipan?
Ikatlong Markahan| 40
ANALISIS 1. Sa iyong palagay, bakit gumagawa ng mga nasabing larawan ang mga may-akda nito? 2. Paano makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral ang kaalaman sa pagbuo ng isang komikstrip? 3. Kung isa ka sa mga gumagawa ng ganitong uri ng larawan, anong paksa ang nais mong pagtuunan ng pansin? Bakit?
ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: HALINA’T LUMIKHA Paano makatutulong sa pagbuo ng isang komikstrip ng anekdota ang mga natamong kaalaman sa araling tinalakay?
APLIKASYON GOAL - Naisusulat ang isang orihinal na komik strip ng anekdota
ROLE - Isa kang mag-aaral na mahusay bumuo ng isang komiks AUDIENCE - Mga mag-aaral na mahilig magbasa ng komiks
SITUATION - Ang pahayagan ng paaralan ay nangangailangan ng isang mahusay sumulat ng kwento at buo ng komiks PRODUCT - Komiks strip ng isang anekdota tungkol sa nakatatawang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Ikatlong Markahan| 41
STANDARD- Pamantayan sa Pagmamarka: A. Kabuluhan ng nilalaman B. Lalim ng mga pananaw C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan D. Kalinawan ng pagkakasulat E. Orihinalidad Tayain ito ayon sa sumusunod: 10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan 9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan 7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan 5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan 3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan
Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.
Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa pagkakasulat.
IV. KASUNDUAN 1. Lumikha ng isang anekdota kaugnay sa sariling buhay. 2. Basahin at unawain ang Talumpati ni Nelson Mandela. 3. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa? 4. Magsaliksik at patunayan kung may kaisahan ang talumpati at ang sanaysay.
Ikatlong Markahan| 42