Filipino 10 [PDF]

  • 0 0 0
  • Gefällt Ihnen dieses papier und der download? Sie können Ihre eigene PDF-Datei in wenigen Minuten kostenlos online veröffentlichen! Anmelden
Datei wird geladen, bitte warten...
Zitiervorschau

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADO 10 IKALAWANG MARKAHAN ARALIN 2.6 Panitikan : Dula Teksto : Romeo at Juliet ni William Shakespeare (Dula mula sa England) Halaw sa Salin sa Filipino ni Gregorio C. Borlaza Wika : Wastong gamit ng Pokus sa Pinaglalaanan at Kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin Bilang ng Araw : 5 na Sesyon MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIa-b-72)  Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng akda sa napakinggang usapan ng mga tauhan. PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIa-b-75)  Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-II-b-72)  Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito(epitimolohiya) PANONOOD (PD) (F10PD-II-b-70)  Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng akda batay sa napakinggan/napanood na bahagi nito. PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIa-b-74)  Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin tunkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa nabasang dula.

TUKLASIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIa-b-74) I. LAYUNIN  Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansang PANONOOD (PD) (F10PD-IIIc-76) ng nasabing dula  pinanggalingan Nasusuri ang napanood na sabayang pagbigkas o kauri nito batay sa: kasiningan ng akdang binigkas, kahusayan sa pagbigkas at iba pa. WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIa-b-67) Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinanglalaanan at II. PAKSAkagamitan)sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa. 

Ikalawang Markahan| 101

TUKLASIN I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIa-b-72)  Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng akda sa napakinggang usapan ng mga tauhan. PANONOOD (PD) (F10PD-II-b-70)  Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng akda batay sa napakinggan/napanood na bahagi nito. II. PAKSA Panitikan

Kagamitan Sanggunian

Bilang ng Araw

: Romeo at Juliet ni William Shakespeare (Dula mula sa England) Halaw sa Salin sa Filipino ni Gregorio Borlaza : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Pagpapanood ng isang Videoclip tungkol sa bansang England https://www.youtube.com/watch?

Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: Y-Dokumento Mo.. a. Ano ang paksa ng videoclip? b. Anong mahalagang kaisipan tungkol sa England ang nakaagaw ng iyong interes? Bakit?

Ikalawang Markahan| 102

2. Pokus na Tanong a. Paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa? b. Paano nakatutulong ang paggamit ng Pokus sa Pinanglalaanan at Pokus sa Kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin. 3. Presentasyon Magbigay ng impormasyon tungkol sa bansang England batay sa sumusunod na aspekto. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagsasagot sa gawain.

Paano naiiba ang tulang Malaya sa tulang tradisyunal? Paano Ekonomiya Kulturasa tulang Malaya o tradisyunal ang kultura nasasalamin ng bansang pinagmulan nito? b. Paano nakakatulong ang paggamit ng simbolismo at Relihiyon Ugali matatalinghagang pananalita sa pagiging masining ng pagbuo ng isang tula? Pananaw

Panitikan

GAWAIN Pagpapanuod ng isa halimbawa ng dula. https://www.bing.com/videos/search?q=bakit+babae+ang+naghuhugas+ng+pinggan&&v iew=detail&mid=EED4CB34DE92DE8248D7EED4CB34DE92DE8248D7&FORM=VRD GAR

Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: GUESS THE NUMBER a. Ano ang paksa ng napanood na dula? b. Mahusay bang naisabuhay ng bawat tauhan ang papel na ginagampanan ng bawat isa? Patunayan. c. Naging kawili-wili ba ang panonood ng naturang dula? Ilahad ang mga patunay ANALISIS 1. Paano nakatulong ang dulang napanood sa pagtukoy sa katangian/kultura ng mga tao sa bansang pinagmulan nito? 2. Isa-isahin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng bansang England at bansang Pilipinas batay sa mga datos na nabatid.

Ikalawang Markahan| 103



Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N) Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang sining ng panggagaya sa kalikasan ng buhay, ang katotohanan sa buhay ng isang tao, kasama ang kanyang iniisip at ikinikilos ayon sa magiging kinahinatnan nito, malungkot man o masaya,tagumpay o kabiguan man. Samakatwid, ang dula ay kinatha at itinatanghal sapagkat ito ang salamin ng buhay na may hangaring makapagbigay-aliw, magturo at makaantig ng damdamin. Sa pagpapangibabaw ng damdamn sa dula, ito ay mauuri sa sumusunod: Trahedya - isang dulang ang pangunahing tauhan o protagonista ay humantong sa nakalulungkot na wakas. Kaawa-awa ang papel na ginagampanan ng mga tauhan. Dumaranas siya ng mga kabiguan o humahantong sa kamatayan na umaantig sa damdamin ng mga manonood. Ang ganitong dula ay nagsimula sa sinaunang Gresya. Komedya - kung ang tema ay magaan sa kalooban ng mga manonood, nagbibigay ng mga biro, mga nakaaaliw na kilos onaguudyok upang tumawa ang nangingibabaw na katangian ng ganitong uri ng dula. Kayumanggi Batay sa Kurikulum K-12 Baitang 10-Ikalawang Markahan p. 70

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: Concept Organizer Buuin ang mga sumusunod na pahayag: Ang dula ay _______________________________. Masasalamin sa dula ang kultura ng bansang painanggalingan nito, bilang patunay ___________________________________. APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: LIGHTS..CAMERA…ACTION! Magtanghal ng isang maikling dula na nagpapakita ng kultura ng England.

Ikalawang Markahan| 104

Pamantayan sa Pagmamarka (Tingnan ang inihanda ng guro) Kailangan pang Paghusayin 4-1 Lahat ng inilahad ay higit na nangangailangan ng kaangkupan sa gawain.

Mga Kategorya

Napakahusay 10-9

Mahusay 8-7

Katamtamang Husay 6-5

Kaangkupan sa Task/Layunin

Ang mga datos/gawain ay inilahad ay nagpapakikita ng kaangkupan .

Angkop ang datos /gawaing inilahad.

May mga datos /gawain na hindi gaanong nagpapakita ng kaangkupan.

Kalinawan ng Presentasyon

Napakahusay ng ginawang pagpapaliwanag/ pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid.

Mahusay ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid

Maliwanag ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid.

Hindi malinaw ang ginawang pagpapakita ng mensaheng nais ipabatid.

Kooperasyon

Ang lahat ng miyembro ng pangkat ay nagkakaisa at may respeto sa isa’t isa. Napakaayos ng kanilang ipinakitang presentasyon dahil lahat ng miyembro ay kumikilos sa gawaing nakaatang sa bawat isa.

May pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat miyembro. Maayos ang ipinakitang presentasyon ng bawat isa.

Dalawa sa miyembro ng pangkat ay hindi maayos na nakikilahok sa gawain.Maayos ang ipinakita nilang presentasyon at may respesto sa bawat isa.

Halos lahat ng miyembro ng pangkat ay walang disiplina. Hindi maayos ang presentasyon. Nangangailangan ng disiplina at respeto sa bawat isa.Kailangan lahat ng miyembro ay nakikipagtulungan sa gawain.

Pagkamalikhain / Kasiningan

Napakamalikhain at napakahusay ng pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon

Malikhain at mahusay ang pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon.

Maayos na napalutang ang ideya na nais ipabatid.

Walang buhay ang ipinakitang pagpapalutang ng mensahe / ideya.

IV. KASUNDUAN 1. Magsaliksik tungkol sa sistema ng pagliligawan at pag-aasawa ng mga tao sa England. 2. Basahin at unawain ang dulang “Sintahang Romeo at Juliet” Halaw sa Romeo at Juliet ni Gregorio C. Borlaza. LM: pp. 201-209 3. Batay sa akda, paanong ang dalisay na pagmamahalan ay nauwi sa masaklap na katapusan? Ikalawang Markahan| 105

LINANGIN I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIa-b-75)  Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-II-b-72)  Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito(etimolohiya) PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIa-b-74)  Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin tunkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa nabasang dula. II. PAKSA Panitikan

Kagamitan Sanggunian

Bilang ng Araw

: Romeo at Juliet ni William Shakespeare (Dula mula sa England) Halaw sa Salin sa Filipino ni Gregorio C. Borlaza : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. : 2 na Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Pagpaparinig ng awiting “IKAW” ni Sharon Cuneta https://www.youtube.com/watch?v=BjCT-rLZL-o

Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC a. Ano ang naramdaman mo pagkatapos marinig ang awitin? Ikalawang Markahan| 106

b. Ibigay ang mensahe ng awit. c. Sang-ayon sa awit, ano anong mga palatandaan ng isang tunay at wagas na pag-ibig? 2. Presentasyon Pagpapanood ng ilang mahahalagang tagpo sa Romeo and Juliet sa saliw ng awiting “A TIME FOR US”. Romeo at Juliet ni William Shakespeare (Dula mula sa England) Halaw sa Salin sa Filipino ni Gregorio Borlaza https://www.youtube.com/watch?v=4FHpmn-KYec

Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: MYSTERY BOX a. Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa dula. b. Ilahad ang nangibabaw na suliranin sa akda. c. Isalaysay ang kinahantungan ng pag-iibigan nina Romeo at Juliet. 3. Pangkatang Gawain Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: GAME SHOW Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang pinag-ugatan ng mga salitang may salungguhit. Pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.

ang ganitong panghihimasok mapait na lubos sa ngalan ng buwang matimtiman mabait na mamamakay O, gabing pinagpala, ako’y nangangamba Sa tulong ng isang susuguin ko

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW Ilahad ang bisang pangkaisipan at pandamdamin sa akda. Bigyang patunay.

Ikalawang Markahan| 107

Pangyayari sa Akda

BISA

Pangkaisipan

Pandamdamin

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: PANEL DISCUSSION

Piliin ang mga bahagi ng dula na sumasalamin sa kultura ng bansang England.

Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya : DOUBLE CELL DIAGRAM Ipakita sa pamamagitan ng double cell diagram ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dulang “Romeo at Juliet” sa dulang “Walang Sugat.”(Severino Reyes)

Romeo at Juliet

Ikalawang Markahan| 108

Walang Sugat

Pamantayan sa Pagmamarka (Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan pang Paghusayin 4-1 Lahat ng inilahad ay higit na nangangailangan ng kaangkupan sa gawain.

Mga Kategorya

Napakahusay 10-9

Mahusay 8-7

Katamtamang Husay 6-5

Kaangkupan sa Task/Layunin

Ang mga datos/gawain ay inilahad ay nagpapakikita ng kaangkupan .

Angkop ang datos /gawaing inilahad.

May mga datos /gawain na hindi gaanong nagpapakita ng kaangkupan.

Kalinawan ng Presentasyon

Napakahusay ng ginawang pagpapaliwanag/ pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid.

Mahusay ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid

Maliwanag ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid.

Hindi malinaw ang ginawang pagpapakita ng mensaheng nais ipabatid.

Kooperasyon

Ang lahat ng miyembro ng pangkat ay nagkakaisa at may respeto sa isa’t isa. Napakaayos ng kanilang ipinakitang presentasyon dahil lahat ng miyembro ay kumikilos sa gawaing nakaatang sa bawat isa.

May pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat miyembro. Maayos ang ipinakitang presentasyon ng bawat isa.

Dalawa sa miyembro ng pangkat ay hindi maayos na nakikilahok sa gawain.Maayos ang ipinakita nilang presentasyon at may respesto sa bawat isa.

Halos lahat ng miyembro ng pangkat ay walang disiplina. Hindi maayos ang presentasyon. Nangangailangan ng disiplina at respeto sa bawat isa.Kailangan lahat ng miyembro ay nakikipagtulungan sa gawain.

Pagkamalikhain / Kasiningan

Napakamalikhain at napakahusay ng pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon

Malikhain at mahusay ang pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon.

Maayos na napalutang ang ideya na nais ipabatid.

Walang buhay ang ipinakitang pagpapalutang ng mensahe / ideya.

  

Pagtatanghal ng pangkatanggawain Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro. Ikalawang Markahan| 109

ANALISIS 1. Paano nakatutulong sa pag-unawa sa akda ang pag-alam sa etimolohiya ng salita? 2. Batay sa paglalahad sa akda, bakit umiiral ang gayong pamantayan o kalakaran sa pag-ibig sa panahon ni Shakespeare? 3. Ano ang iniingatan ng pamantayang ito? Ipaliwanag. ABSTRAKSYON Mungkahing Istratehiya: CONCEPT ORGANIZER Paano nakatulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa? APLIKASYON Mungkahing Istratehiya: Y-SPEAK Isa kang binatang napaibig sa isang dalagang napakahipit ng magulang? Anong plano o paraan ang gagawin mo upang maipakilala ang wagas na hangarin mo para sa kaniya? Anong kultura ang nagging batayan mo sa pagbuo ng plano?

4. EBALWASYON Panuto: Piliin at Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel. 1. Nakagisnan ng mga Pilipino ang pagsunod sa kagustuhan ng mga magulang.Alam mo na ayaw ng iyong magulang sa napupusuan mo dahil nag-aaral ka pa, paano mo ito haharapin? a. Hindi ko papakinggang ang sinasabi ng aking mga magulang. b. Susundin ko sila dahil alam nila kung ano ang makakabuti sa akin. c. Ipaglalaban ko kung ano ang sinasabi ng aking puso sa tamang panahon. d. Sa ayaw at sa gusto nila,ipaglalaban ko kung ano ang aking nararamdaman. (Para sa bilang 2 at 3) Piliin ang pinag-ugatang salita ng salitang may salungguhit sa sumusunod na parirala? Ikalawang Markahan| 110

2. Ang marahas na ligaya a. Rahas b. Ahas 3. Gampanan ang tungkulin a. Gampan b. Ganap

c. Dahas c. Ganapan

D. Aras d. Gaan

Pinagsamantalahan ng anak ng isang pulitiko ang anak ni Regina at nang gabing yaon, nagtungo sa kanilang bahay ang nasabing pulitiko.Alam na ni Regina ang pakay ng mga ito. Makikipag-areglo siya kaugnay ng pangyayari. Sa kanilang paghaharap, inihingi ng tawad ng Alkalde ang kaniyang anak. Gusto niyang iurong na ang demanda. Ipinagdiinan ng Alkalde ang magiging kahihiyan ng pamilya. Naglabas ng sobre ng pera ang Alkalde. Pinalayas ni Regina ang Alkalde pati ang mga kasama nito. 4. Ilahad ang damdaming nangibabaw kay Regina? a. Takot b. Galit c. Inis d. Dalamhati 5. Isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. a.Tula b. Trahedya c.Soneto d. Komedya Susi sa Pagwawasto: 1. C

2. C

3.B

4.D

5. B

Index of Mastery SEKSYON

Blg. Ng Mag-aaral

INDEX

IV. KASUNDUAN 1. Magsalaysay ng isang kwento ng pag-ibig na nauwi sa trahedya. Anong aral ang napulot mo buhat sa nasabing pangyayari? 2. Pag-aralan ang paggamit ng pandiwa bilang pokus sa pinaglalaanan at kagamitan. Ikalawang Markahan| 111

3. Magbigay ng tig-iisang halimbawa. 4. Basahin ang buod ng dulang Moses, Moses….

PAGNILAYAN AT UNAWAIN I. LAYUNIN WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIa-b-67)  Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinanglalaanan at kagamitan)sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa. II. PAKSA Wika

Kagamitan Sanggunian

Bilang ng Araw

: Wastong gamit ng Pokus sa Pinaglalaanan at Kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin : laptop, pantulong na biswal : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Pagpapanood ng isang balitang tungkol sa bilanggo. https://www.bing.com/videos/search?q=bilanggodokumentaryo&&view=detail&mid=AB9F8FB224C2C84ECA9FAB9F8FB224C2 C84ECA9F&FORM=VRDGAR

Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: PICK A QUESTION a. Anong naramdaman mo matapos mapanuod ang balita? b. Ilahad ang konklusyong nabuo sa isipan patungkol sa mga bilanggo? 2. Presentasyon

Ikalawang Markahan| 112

Dugtungang pagkukwento ng Buod ng Dulang Moses, Moses Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: PAINT UR FEELINGS THRU WORDS.. a. Anong uri ng teksto ang iyong binasa. Patunayan. b. Tukuyin ang pangunahing suliranin sa akda. c. Ano ang naramdaman mo para kay Regina? d. Itala ang mga ginamit na pandiwa sa teksto. ANALISIS 1. Paano pinalitaw sa teksto na ang Pilipino ay labis na nagpapahalaga sa kanilang dangal? 2. Tukuyin ang bahagi ng akda sa Moses, Moses na ’’ Higit na malapot ang dugo kaysa sa tubig’’. Anong kultura ng bansa ang masasalamin sa kaisipang ito? 3. Paano nakatutulong ang kaalaman sa paggamit ng angkop na pandiwa sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin? 

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N) Pokus ng Pandiwa Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap sa tulong ng iba’t ibang panlapi. Maipopokus o maitutuon ang pandiwa sa kagamitan at tagatanggap o pinaglalaanan. Pokus sa kagamitan: Ito ang naglalahad na ang instrumento o kagamitang ginamit sa pagganap ng isinasaad ng kilos ay siyang simuno o paksa ng pangungusap. Mga Panlapi- ma+ipang, ipang Halimbawa: 1. Ipinangkumbinsi ng Alkalde ang maayos na pakikipag-usap. 2. Nais niyang ipang-areglo ang sampung libong piso. Pokus sa Pinanglalaanan o Tagatanggap: Ito ang nagtuturo na ang pinaglalaanan ng kilos ay siyang simuno o paksa ng pangungusap. Mga Panlapi: i-, ipang-, ipag-, maipagHalimbawa: 1. Inihingi ng tawad ng Alkalde ang kanyang anak. 2. Ipinaglaban ni Regina ang dangal ng kanyang anak. ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: BRAINSTORMING Ikalawang Markahan| 113

Paano nakatutulong ang paggamit ng pokus sa pinaglalaanan at pokus sa kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin? APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: FACT O BLUFF Panuto: Punan ng angkop na pandiwa ang puwang upang mabuo ang diwang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang sagot. 1. __________ ni Romeo ang matatamis na pananalitang binitiwan niya kay Juliet. 2. __________ ng tapat na pag-ibig si Juliet ng isang binatang hindi niya kaangkan. 3. Ang prinsesa’y __________ ng kapatawaran at ang prinsipe’y __________ ng kaparusahan. 4. __________ ni Tybalt kay Romeo ang bantang kamatayan ang kapalit ng pag-ibig sa prinsesa. 5. __________ ni Romeo ng lason ang apatnapung ducado sa isang butikaryo. Tumanggap

Ipinang-akit

Ipinambili

Ipinatakot

Ginawaran

Inalayan

3. EBALWASYON Panuto. Salungguhitan ang pandiwang ginamit at isulat kung ano ang pokus ng pandiwa. 1. 2. 3. 4. 5.

Ipinaghiganti niya ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde. Sinubok niyang ipang-areglo ang sampung libo sa kaso. Ipinambaril niya ito sa kawawang anak. Upang ihingi ng tawad ang ginawa nito sa kanyang anak. Ang iniabot na salapi ay itinulong sa mga mga-aaral na mahihirap.

Susi sa Pagwawasto: Ikalawang Markahan| 114

1. Ipinaghiganti – pinaglalaanan 2. ipang-areglo – kagamitan 3. ipinambaril – kagamitan Index of Mastery SEKSYON

Blg. Ng Mag-aaral

4. ihingi – pinaglalaanan 5. itinulong - kagamitan

INDEX

IV. KASUNDUAN 1. Bumuo ng tig limang pangungusap na ginagamitan ng pokus sa pinaglalaanan at kagamitan. 2. Magbalik-aral sa mga alituntunin sa pagsulat ng sanaysay

Ikalawang Markahan| 115

ILIPAT I. LAYUNIN PAGSULAT (PU) (F10PU-IIa-b-74)  Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansang pinanggalingan ng nasabing dula II. PAKSA Pagsulat ng Awtput 2.6 Kagamitan : Pantulong na biswal Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al. Bilang ng Araw : 1 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Pagbabalik-aral sa mga alituntunin sa pagsulat ng sanaysay. Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: LUCKY ONES a. Ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang sanaysay? ANALISIS Mungkahing Estratehiya: POST IT ON THE WALL Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay sa paglalahad ng saloobin at damdamin?

Ikalawang Markahan| 116

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: BRAINSTORMING Gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon bumuo ng mga kaisipan na kaugnay ng aralin. Limiin Natin

Pagbuo ng Kaisipan

Kultura ng Pilipinas , Sanaysay, Saloobin, Damdamin Kultura ng ibang bansa APLIKASYON GOAL - Nakasusulat ng isang sanaysay na naglalaman ng damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa. ROLE - Isa kang mag-aaral na lalahok sa Festival of Talents sa inyong paaralan AUDIENCE - Mga hurado ng patimpalak sa pagsulat ng sanaysay sa gaganaping Festival of Talents sa inyong paaralan SITUATION - Patimpalak sa pagsulat ng sanaysay Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong paaralan. PRODUCT - Sanaysay

Isa ka sa- Pamantayan mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong STANDARD ng Pagmamarka paaralan. A. Kaangkupan sa tema/paksa B. May pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan C. Payak at madaling maunawaan D. Maayos at malinis ang pagkakasulat Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong paaralan.Tayain ito ayon sa sumusunod: 10 puntos - lahat ng pamantayan ay naisakatuparan 9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan 7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan 5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan 3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan Ikalawang Markahan| 117

 

Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral. Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN 1. Itala ang mga pandiwang ginamit sa sanaysay na nasa pokus sa pinaglalaanan at pokus sa kagamitan 2. Magsaliksik tungkol sa bansang Amerika. a. Kultura tungkol sa pagbibigay ng regalo b. Basahin at unawain: Aguinaldo ng mga Mago, TG: pp. 218-220

Ikalawang Markahan| 118