34 0 145KB
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Region IV A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean Aralin 1.2 : Sanaysay mula sa Greece Yugto ng Pagkatuto : Tuklasin Bilang ng Araw : 1 araw I. Kasanayang Pampagkatuto Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media. II. Nilalaman A. Panitikan :
B. C. D. E.
Ang Alegorya ng Yungib Sanaysay mula sa Greece Mula sa Allegory of the Cave ni Plato Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo Gramatika at Retorika : Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw Uri ng Teksto : Naglalahad Sanggunian : Panitikang Pandaigdig Filipino 10, pp. 11 - 12 ( TM ), pp. 28 – 32 ( LM ) Kagamitan : laptop, speaker
III. Proseso ng Pagkatuto A. Aktibiti Pagpaparinig sa mga mag-aaral ng inirekord na bahagi ng sanaysay, p. 29. B. Analisis Tala - Kaalaman Pagpapasagot sa bawat pangkat ng talahanayan batay sa narinig, p. 29 ( LM ) C. Abstraksyon 1. Gawain 2 : Pagtibayin ang Palagay Pagbuo ng konsepto o pananaw batay sa larawan, p. 30 2. Malayang Talakayan (Pagpapasagot ng Pokus na Tanong ) 1. Paano makatutulong ang sanaysay sa pagkakaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa? 2. Paano mabisang magagamit ang ekspresyong pagpapahayag sa pagbibigay ng pananaw?
3. Pagbibigay ng input ng guro sa uri ng babasahing sanaysay, pp. 30 - 32 D. Aplikasyon Pagbibigay ng mga mag-aaral ng katangian ng sanaysay gamit ang bubble map. IV. Ebalwasyon Maikling Pagsusulit ( 5 aytem ) V. Takdang Aralin 1. Magsaliksik tungkol sa bansang Greece 2. Magtala ng mga impormasyon tungkol kay Plato
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Region IV A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean Aralin 1.2 : Sanaysay mula sa Greece Yugto ng Pagkatuto : Linangin Bilang ng Araw : 2 araw I. Kasanayang Pampagkatuto 1. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan. 2. Naibabahagi ang sariling reaksyon sa ilang mahahalagang ideyang ideyang nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brainstorming. 3. Natatalakay ang mga isyung pandaigdig mula sa pinanood. 4. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa mga napapanahong isyung pandaigdig. II. Nilalaman A. Panitikan :
B. C. D. E.
Ang Alegorya ng Yungib Sanaysay mula sa Greece Mula sa Allegory of the Cave ni Plato Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo Gramatika at Retorika : Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw Uri ng Teksto : Naglalahad Sanggunian : Panitikang Pandaigdig Filipino 10, pp. 11 at 13 ( TM ), pp. 32 - 37 ( LM ) Kagamitan : tv, laptop, speaker, larawan ni Plato
III. Proseso ng Pagkatuto A. Aktibiti 1. Pagpapaskil ng guro ng larawan ni Plato at magbibigay ang mga mag-aaral ng katangian nito. 2. Paglinang sa Talasalitaan ( Gawain 3, p. 36 LM ) 3. Dugtungang pagbasa ng akdang “Ang Alegorya ng Yungib”, pp. 32 -35 B. Analisis 1. Sa pamamagitan ng mga cue cards na inihanda ng guro, susuriin ng mga magaaral ang binasang sanaysay. ( Gawain 4 at 5, pp. 36 – 37 )
C. Abstraksyon 1. Pagpapanood ng guro ng isang napapanahong isyu mula sa isang bansa sa Mediterranean buhat sa balita, dokumentaryong pantelebisyon, o video sa youtube na maaaring iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa akdang “Ang Alegorya ng Yungib”. Mga Pagpipilian Greece bumabagsak na ekonomiya ng bansa Turkeyang terorismo sa bansa Albania pagkasira sa kagubatan Moroccolumalalang polusyon France legalidad sa kasal ng dalawang magkatulad na kasarian 2. Pangkatang Gawain Isulat ang mga impormasyong nakuha mula sa video na napanood. Malaya ang bawat pangkat na gumamit ng iba’t ibang dayagram. Maaari itong gawin sa Manila Paper o cartolina. 3. Pagbabahaginan ng mga naging kasagutan ng bawat pangkat. 4. Pagbibigay feedback ng guro D. Aplikasyon Ipapagawa ang Gawain 7 : Gumupit o gumuhit ng larawang kaugnay sa isa sa mga isyung tinalakay sa sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib”. Bumuo ng maikling talata na ipamamalas sa iba’t ibang masining na pamamaraan. IV. Takdang Aralin Basahin ang sanaysay na “Ang Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto. Ibigay ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay.
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Region IV A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean Aralin 1.2 : Sanaysay mula sa Greece Yugto ng Pagkatuto : Linangin Bilang ng Araw : 1 araw I. Kasanayang Pampagkatuto 1. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw. II. Nilalaman A. Panitikan :
Ang Alegorya ng Yungib Sanaysay mula sa Greece Mula sa Allegory of the Cave ni Plato Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo B. Gramatika at Retorika : Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw C. Uri ng Teksto : Naglalahad D. Sanggunian : Panitikang Pandaigdig Filipino 10, pp. 11 - 13 ( TM ), pp. 39 - 42 ( LM )
III. Proseso ng Pagkatuto A. Aktibiti 1. Tahimik na basahin ang ipakikitang sanaysay – Ang Ningning at ang Liwanag ni Emilio Jacinto. Unawain ang nilalaman nito at bigyang-pansin ang mahalagang papel ng sanaysay sa pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan ng mamamayan noong panahong naisulat ito. 2. Pagsagot sa mga katanungan sa pamamagitan ng pangkatang gawain * Bawat pangkat ay may kani-kanilang katanungan na bibigyang-kasagutan batay sa sanaysay na binasa. Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ito ng masining na pamamaraan. B. Analisis 1. Basahin at suriin ang mga pangungusap hango sa sanaysay. Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe.
At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal. Samantalang, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan. 2. Pagsagot sa mga katanungan Anong ekspresyon ang ginamit sa unang pangungusap? Paano naipahayag ng may-akda ang kanyang pananaw sa pangungusap na ito? Sa ikalawang pangungusap, anong ekspresyon ang ginamit? Paano binago ng ekspresyong ito ang pangungusap?
C. Abstraksyon 1. Pangkatang Gawain ( Pagsasanay 1, pp. 40 – 41 ) Ang bawat pangkat ay kani-kanilang sipi ng talata upang matukoy ang ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw o ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iba ng paksa o pananaw. 2. Pagbibigay ng input ng guro D. Aplikasyon Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon ( tingnan ang Pagsasanay 2, p. 41 ). IV. Pagtataya Panuto : Gamitin ang sumusunod na salita sa paglalahad ng iyong pananaw tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig na nakasulat sa kahon. ( tingnan ang Pagsasanay 3, p. 42) V. Takdang Aralin Magbigay ng sariling pananaw sa naging resulta ng laban nina Mayweather at Pacquiao. Gumamit ng mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng iyong pananaw.
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Region IV A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean Aralin 1.2 : Sanaysay mula sa Greece Yugto ng Pagkatuto : Pagnilayan at Unawain Bilang ng Araw : 1 araw I. Mga Layunin 1. Nakapaglalahad ng mga pananaw na nakapaloob sa sanaysay. 2. Nakabubuo ng mga mahahalagang konseptong nakapaloob sa binasang akda. II. Nilalaman A. Panitikan :
Ang Alegorya ng Yungib Sanaysay mula sa Greece Mula sa Allegory of the Cave ni Plato Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo B. Gramatika at Retorika : Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw C. Uri ng Teksto : Naglalahad D. Sanggunian : Panitikang Pandaigdig Filipino 10, p. 14 ( TM ), p. 42 ( LM )
III. Proseso ng Pagkatuto A. Aktibiti Pangkatang Gawain Pagbuo ng concept map na naglalahad ng mga pananaw na nakapaloob sa sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib” B. Analisis Pagsusuri sa mga pananaw na nakapaloob sa sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib”.
C. Abstaksyon 1. Pagbuo ng mga konseptong natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pokus na tanong gamit ang talahanayan sa p. 42. D. Aplikasyon Pagbuo ng sanaysay na gumagamit ng mga ekspresyon sa pagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa kultura at kaugaliang natutunan sa bansang Greece.
IV. Takdang Aralin Magdala ng mga larawan na may kaugnayan sa mga bansa sa Meditteranean
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Region IV A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean Aralin 1.2 : Sanaysay mula sa Greece Yugto ng Pagkatuto : Ilipat Bilang ng Araw : 1 araw I. Kasanayang Pampagkatuto 1. Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid-aklatan, internet, at iba pang batis ng impormasyon. II. Nilalaman A. Panitikan :
Ang Alegorya ng Yungib Sanaysay mula sa Greece Mula sa Allegory of the Cave ni Plato Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo B. Gramatika at Retorika : Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw C. Uri ng Teksto : Naglalahad D. Sanggunian : Panitikang Pandaigdig Filipino 10, p. 15 ( TM ), p. 43 ( LM )
III. Proseso ng Pagkatuto A. Aktibiti 1. Pagpapabasa sa mga mag-aaral ng pamantayan sa pagmamarka sa pagbuo ng photo essay. Pamantayan A. Tumatalakay sa isang kalagayang panlipunan B. Pagkilala sa kultura ng bansa C. Paglalahad ng pananaw o kaisipan
5
4
3
2
1
D. Pagsunod sanaysay
sa
balangkas
ng
isang
2. Pagpapakita ng guro ng isang halimbawa ng photo essay sa klase. B. Analisis Pagsusuri ng mga mag-aaral sa photo essay na ipinakita ng guro gamit ang pamantayan sa pagmamarka. C. Abstaksyon 1. Pangkatang Gawain Sa pamamagitan ng concept mapping, ibigay ang dapat tandaan sa pagbuo ng photo essay ( batay sa kinalabasan ng pagsusuri sa halimbawang photo essay na ipinakita ng guro ). 2. Pagbabahaginan ng mga naging kasagutan ng bawat grupo. 3. Pagdaragdag ng impormasyon ng guro sa mga dapat tandaan sa pagbuo ng photo essay D. Aplikasyon Pagbuo ng photo essay tungkol sa iba’t ibang isyung kinahaharap ng alinman sa mga bansa sa Meditteranean. Maaaring magsaliksik ng mga impormasyon gamit ang silid-aklatan at internet. Buuin ito gamit ang pamantayan sa pagmamarka.