34 0 39KB
Christine Cincollagas
Halimbawa ng Anekdota
Si Celine Naalala ko pa noong unang araw na dinala ang isang tuta sa bahay naming. Kumpara sa mga nauna, dala ng bugbog ng kolonyalismo, hindi ko agad matanggap ang isang tuatang ordinary o askal sa mas tamang kolokyal na pananalita. Ordinaryo ang kulay, ang balahibo pati ang itsura. Siya ay isang babae kaya pinagdarasal na sana’y mabuntis siya ng isang may lahing aso. Pero tulad ng mga naunang babaeng tutang nanirahan sa amin. Hindi hinahayaan nila nanay at tatay na lumabas man lang ang alaga naming aso. Ako ang nagpangalan sa tutang iyon. Kasikatan kasi ng “Maging Sino Ka Man” noon. Paborito ko ang karakter ni Anne Curtis. Kaya naman pinangalan ko syang “Celine”. Mabait na alagang aso si Celine at tulad ng pambihirang kakayahan ng mga aso, malakas ang pang-amoy nila. Kaya naman lahat ng nakatira sa bahay naming, memoryado niya ang amoy. At kapag hindi sa kanya pamilyar ang amoy, sa entrada pa lang ng bahay, hindi na ito titigil kakatahol. Dalawang taon akong nawala sa Pinas. Naisip ko, dahilan sa nakahalubilo ako sa isang lahi, mag-iiba na ang amoy ko sa kanya. Pero gulat ko, pagdating na pagdating ko, sabik na sabik na nagtatalon si Celine sa akin. Naglambing na tila sinasabi sa akin na “Welcome back! I miss you!” At sa ilang pagkakataon, nahuli ko ang aking sarili na nakikipag-usap sa alaga naming aso. Minsan, sinasabi ko sa kanya ang mga pangarap ko, sama ng loob, at mg masasayang sandal. Para akong tanga na nagbabakasakaling naiintindihan niya ako. Kapag tinitingnan ko siya sa kanyang mga mata, may haplos ng pagkilala na sa mga panahon ng pananatili niya sa aming bahay. Hindi na lang siya alagang aso sa amin kundi isang parte ng aming pamilya.