29 0 26KB
Ang Pagbabalangkas Susi sa isang matiwasay na pag-unawa sa saliksik ang organisadong ayos ng set ng impormasyon nito sa mga talata. Subalit bago matamo ang kaayusang ito inaasahan muna ang maayos na paglalatag nito sa isang balangkas. Batay sa Psychology Writing Center ng University of Washington (1997), ang balangkas ay isang pormal na sistemang ginagamit upang unawain at organisahin ang isang papel. Ginagamit ito upang mataya kung ang mga ideya ba ay nagtutugma, nagtatama, o nagpapaigting sa kasapatan ng ebidensya upang suportahan ang pangunahing ideya. Kadalasang binabanggit lamang ng ibang mananaliksik na ito ay: 1. Gumagamit lamang ng buong pangungusap. 2. Kadalasang aksaya lamang sa oras ng paggawa, at 3. Mataman at debotong sinusunod. Subalit, sa katotohanan ang pagbuo ng balangkas ay: 1. Gumagamit ng ibat ibang uri ng pormat; 2. Nakatutulong para sa pagkamit ng mataas na kalidad sa borador; 3. Gabay lamang at maaaring magdaan ng modipikasyon. Taglay na dahilan ng paggawa ng isang balangkas ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Upang makita ang overview o pangkalahatang estado ng binubuong papel; Upang maimapa ang mga ideya at konseptong abstrakto; Upang matukoy kung kailangan pang manaliksik hinggil sa paksa; Upang maiwasto ang organisasyon ng papel; Upang maisakategorya ang mga ideyang maaaring makatulong at di-makatulong; Upang maisapatang mga relasyon ng mga puntong binubuo ; Upang muling maorganisa ang papel kung ito ay labis sa ideya: Upang makatulong sa manunulat nang hindi mawala sa sinusulat habang nasa aktuwal na yugto ng pagkasulat; at 9. Upang makatulong sa paglalahad ng ilalim ng paksa. Uri ng Balangkas: 1. Balangkas na Pasalita. Salita lamang ang taglay ng balangkas na ito. Inoorganisa ang mga ideya sa pamamagitan ng pag a-outline ng mga susing salitang nagpapakita ng makahulugang diwa. Hal: Ang Wikang Filipino ay nagtataglay ng iba’t ibang antas ng wika. 1. Pormal na Antas a. Pampanitikan b. Pambansa 2. Impormal na Antas a. Kolokyal b. Lalawiganin c. Balbal
d. Bulgar Balangkas Pangungusap. Ang uring ito ay gumagamit ng pagpapakita ng organisasyon sa paraang pangungusap. Taglay nito ang buong diwa at pagpapaliwanag sa konseptong nakalagay sa balangkas. Hal: Ang Wikang Filipino ay nagtataglay ng iba’t ibang antas ng wika. 1. Ang Pormal na Antas ng Wika ay nagpapakita ng katangiang paggamit ng mga tuntunin at pamantayang pambalarila at pang-estruktura. a. Ang Pampanitikang antas ay gumagamit ng mga tayutay at iba pang retorikal na padron. b. Ang Pambansang antas ay ginagamit sa mga aklat at babasahing kadalasang inilalathala sa buong bansa. 2. Ang Impormal na Antas ay nagpapamalas ng mga salitang palasak na ginagamit sa araw-araw at kadalasan ay umiiral sa mga pangkaraniwang kumbersasyon. a. Ang Kolokyal ay ginagamit sa mga karaniwang usapan, gaya ng mga magkakaibigan. b. Ang Lalawiganin ay antas na ginagamit sa mga probinsiya. c. Ang Balbal ay itinuturing bilang salitang kanto o kalye. d. Ang Bulgar ay mga salitang mura at taboo.
Balangkas Patalata. Ang balangkas na ito ay nagtataglay ng mga talata. Pinapakita rito ang mga pangunahin at pansuportang detalyeng makatutulong upang maunawaan ang kabuoan ng balangkas. Hal: Ang Wikang Filipino ay nagtataglay ng iba’t ibang antas ng wika. 1. Ang Pormal na Antas ng Wika ay nagpapakita ng katangiang paggamit ng mga tuntunin at pamantayang pambalarila at pang-estruktura. Nakasalig ang antas na ito sa kaayusan ng mga paggamit ng wika at kapamitagan nito. Kadalasang ginagamit sa mga pormal na komunikasyon, pasulat man o pasalita. a. Ang Pampanitikang antas ay gumagamit ng mga tayutay at iba pang pang retorikal na padron. Makikita ang uring ito sa mga panitikan, gaya ng prosa at panulaan. Pinamamalas din ito ang rikit sa paggamit ng wika. b. Ang Pambansang antas ay ginagamit sa mga aklat at babasahing kadalasang inilalathala sa buong bansa. Karaniwang ding ginagamit ang antas na ito sa pakikipagkomunikasyon sa mga tanggapan ng pamahalaan. 2. Ang Impormal na Antas ay nagpapamalas ng paggamit ng mga salitang palasak na ginagamit sa araw-araw at kadalasan ay umiiral sa mga pangkaraniwang kumbersasyon. Maaaring gamitin ang antas na ito kung ang kausap ay kaantas o kaedad lamang. a. Ang Kolokyal ay ginagamit sa mga karaniwang usapan, gaya ng mga magkakaibigan. Hindi isinaalang-alang dito ang kawastuhang panggramatika pagkat layon lamang nito ang pagpapaikli, pagkakaltas, pagsasama-sama at paghahalo ng wika. b. Ang Lalawiganin ay antas na ginagamit sa mga probinsiya. May taglay itong kakaiba o di-taal na tunog na maririnig. Ito ay tinatawag na schwa. Maaaring magkaroon ng baryasyon ang isang wika dala na rin ng heyograpikal na aspekto, halimbawa: iba ang Tagalog-Maynila sa Tagalog-Batangas.
c. Ang Balbal ay itinuturing bilang salitang kanto o kalye. Bunga ito ng nagbabagong panahon at paraan ng pamumuhay ng tao. Nagdaraan ang mga salitang ito sa proseso ng pagkuha ng mga huling dalawang pantig (Kano-Amerikano) (yosi-sigarilyo) at iba pa… d. Ang Bulgar ay mga salitang mura sa taboo. Kadalasang ang mga ito ay ginagamit sa mga lubhang impormal na kontekstong nagpapamalas ng labis na emosyong tumutulay sa paggamit ng mga salitang bastos, pagsusumpa at pagmumura.