Minsan May Isang Puta [PDF]

  • 0 0 0
  • Gefällt Ihnen dieses papier und der download? Sie können Ihre eigene PDF-Datei in wenigen Minuten kostenlos online veröffentlichen! Anmelden
Datei wird geladen, bitte warten...
Zitiervorschau

Sa bahaging ito makikita ang mga resulta kung ano ang mga teoryang pampanitikang nakaangkla sa akda ni Mike Portes na pinamagatang Minsan may isang puta. Dito matutunghayan kung paano sinusuri ng manunuri ang nasabing akda.

Minsan may isang puta ni: Mike Portes

UNANG TALATA Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Nakaangkla sa unang talata ang Teoryang Arkitaypal na ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinakilala ng may akda sa mga mambabasa. Nakaangkla ang teoryang ito sa kadahilanang gumamit ang may akda ng simbolo na siyang makapagbibigay ng konsepto at tema sa mga mambabasa gaya na lamang ng linyang ito “puta daw ako”, ang salitang puta ang ginamit na simbolo sa nasabing talata. Dagdag pa nito, hindi rin basta-basta masusuri ang talata dahil kinakailangan munang alamin ang kabuuang akda nang sa ganoon ay maunawaan ang nais ipahiwatig ng may akda.

IKALAWANG TALATA

Tara, making ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo. Alam m, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na rape daw ako.