75 0 590KB
1
KAYO’Y MAGSIAWIT NG MGA PAGPURI SA DIOS, KAYO’Y MAGSIAWIT NG MGA PAGPURI: KAYO’Y MAGSIAWIT NG MGA PAGPURI SA ATING HARI, KAYO’Y MAGSIAWIT NG MGA PAGPURI. MGA AWIT 47:6
2 Agos ng Tubig sa Batis Ang Aking Buhay Ang Ating Diyos Ang Diyos ang Nagmamahal Ang Diyos may Paraan Ang Oras Ang Panginoon ang Aking Pastol Ang Panginoon ay aking Ilaw Ang Panginoon ay Tapat Araw-Araw At the End of the Road Dakila Ka O, Diyos Dakilang Diyos Dalawang Beses (Two Times You’re Mine) Darating na S’ya Diyos at Diyos Lamang (God and God Alone) Diyos ay Pag-ibig Diyos ay Tapat Diyos, Bakit Ako Pa? Diyos Lang (Tanging Sandigan Mo) Doon sa Langit ‘Di Ko Alam Gayak Ka ba at Handa na Handog Ko H’wag Nang Ipagpabukas Pa Ikaw ang Aking Kanlungan Jesus, Ito ang Aking Awit Kahit na Kubo Kailan Pa Kaligtasan Karamay ang Diyos Kung Kamtan Mo Labis na Dakila Landas Lupa man ay Langit na rin Lumapit sa Kanya Maging Tapat (Find Us Faithful)
5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41
3 Mahal N’ya Tayo May Nagmamahal Munting Himig Narito Ako O, Panginoon O, Panginoon (Ilokano version) Paggising sa Umaga Pag-ibig ni Jesus Pagtatalaga Panahon Malapit Na Panalangin Panginoon Sa Aking Puso Sa Bawat Araw (Day by Day) Sa Diyos Umawit Tayo Sa Diyos Walang Lihim Sa Itaas Ka Laging Tumanaw(Keep Looking Up) Sa Kanya Sa Krus ng Kalbaryo Sa Landas ng Pagdurusa Sa Landas ng Pasakit (Via Dolorosa) Sa Pagsikat ng Araw Sa Piling Mo Sa Pinto ng Puso Saan Ka Paroroon Salamat O, Diyos Salamat sa Iyo Salamat Sa’Yo Salamat Sa’Yo Panginoon Salita Si Jesus Si Jesus ang Ating Ilaw Si Jesus ang Pag-asa Si Jesus ay Darating Si Hesus ang tunay na Pag-ibig Siya Siya ang Nagmamay-ari sa’yo Siya’y Aking Mamahalin Tagumpay Kay Jesus
42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80
4 Tanging Kanlungan Tumingin Ka sa Langit Tunay Kang Matapat Tupang Ligaw Walang Kabuluhan (Ecclesiastes) Yakap ng Pag-ibig
81 82 83 84 85 86
5
“AGOS NG TUBIG SA BATIS” Agos ng tubig sa batis ay lumalagaslas Sa tabi ng bato ito’y humahampas Tubig na walang tigil sa pag-agos na kung saan Marami ang nabubuhay, marami ring namamatay. Koro: Agos ng batis sa buhay ng tao Tumatakbong sabay nito Sa dagat na wagas ang tungo Buhay natin sa Diyos nanggaling Sa Diyos mo rin itagubilin Gamitin mong pagpapala Sa buhay ng iyong kapwa. Ang buhay ng mga tao dito sa mundo Ay tulad ng isang batis umaagos nang kay bilis Mahirap man kung iisipin ngunit sa Diyos itagubilin Gamitin mong pagpapala sa buhay ng iyong kapwa.
6
“ANG AKING BUHAY” Ang aking buhay na hiram ko lang pala sa’Yo Ngayon ko lang napagtanto, ako pala sa’Yo. Nais kong maglingkod, higit ang tawag Mo Tulad ng pagdinig sa dalangin ko O, Jesus ako ay narito, nakahanda upang gamitin Mo. Nang mga sandal, ‘di pa kita nakikilala Ang buhay ko’y puno ng pangamba Ngunit binigyan Mo ng pag-asa. Nais kong maglingkod, higit ang tawag Mo Tulad ng pagdinig sa dalangin ko O, Jesus ako ay narito, nakahanda upang gamitin Mo. Koro: Panginoon, ako ay narito Dinggin yaring pagsamo ko Ako’y muling ariin Mo’t pangunahan Ang buhay ko, sa’Yo lang ako. Nang mga sandal, ‘di pa kita nakikilala Ang buhay ko’y puno ng pangamba Ngunit binigyan Mo ng pag-asa. *Koda* O, Jesus ako ay narito, Nakahanda upang gamitin Mo.
7
“ANG ATING DIYOS” Sa lahat ng dakong malinis at mainam Ang Diyos ay matatagpuang tunay Sa lahat ng ating galaw at paglalakbay Ang Diyos ay lagi nating kaagapay. Koro: Hindi tayo mag-iisa o mabibigo Laging ang Diyos ay kasamang totoo Ang Diyos ay laging nasa lahat ng dako Siya nating kanlungan, kaibigang totoo. Sa dulo man ng lupa’y naroon ang Diyos Sa ilalim man ng dagat, sa gitna man ng unos Tumawag ka at laging Siya ay tutugon Ang Diyos ay laging handang tutulong. Tumawag ka at laging Siya ay tutugon Ang Diyos ay laging handang tutulong. Koro2: ‘Pagkat Siya’y laging nasa lahat ng dako Laging ang Diyos ay kasamang totoo Ang Diyos ay matapat sa Kanyang mga pangako Habang panahon ma’y ‘di S’ya magbabago.
8
“ANG DIYOS ANG NAGMAMAHAL” Ang Diyos ang nagmamahal Ang Diyos ay nagmamalasakit Sa mga taong nalalayo Sa Kanya’y nawawaglit. Bakit ‘di mo subukan Ngayon sa Kanya’y lumapit S’ya sayo’y naghihintay Walang imposible sa Diyos. Koro: Patatawarin ka ni Jesus Lumapit ka’t manalig nang lubos Walang imposible sa Diyos Kapangyarihan Nya’y dakila’t Pangako Nya’y buhay na sagana Walang imposible sa Diyos. Taglay mo ang kabiguan Sakit at mga karamdaman Magagawan ng lunas ‘yan Walang imposible sa Diyos. *ulitin koro*
9
“ANG DIYOS MAY PARAAN” Ang Diyos may paraan sa mga kabiguan Gumagawa ng paraan na ‘di natin nakikita S’yang aking gabay, katabi ko’t kanlungan Sa pag-ibig Nya’t kalakasan Sya’y gumagawa ng kaparaanan. (2x) Sa paglakad sa daan laging S’ya ang gabay Ang batis sa disyerto’y mamamasdan Langit-lupa’y mawawala’t mananatili Kanyang Salita Sya’y gumagawa sa’yo ng paraan. *ulitin 1st stanza*
10
“ANG ORAS” Ang oras malapit na Na si Jesu-Cristo ay darating Babalik man Siya para sa paghuhukom Sa iyo, sa akin, at sa kanya. Koro: Kaya’t aking kaibigan Ikaw ay handa na ba? Sa iyong buhay na sa ngayon Babalik si Cristo, baka maiwanan ka At baka hindi ka Niya madala. Ang oras malapit na Na ang mga gawa mo’y huhukman Niya Mga bagay tutunawin, mga patay bubuhayin Mga anak ng Diyos ay dadalhin. *ulitin koro*
11
“ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL”
Ang Panginoon ang aking Pastol ‘Di na ako mangangailangan Lumakad man ako sa gitna ng kadiliman S’ya ang susubaybay sa aking daan. Koro: Tahakin ko man ang landas ng panganib Ako’y wala nang katatakutan Tungkod N’yat pamalo sa ki’y umaaliw Lungkot ma’y Kanyang papawiin. Kaharap ko man ang aking kaaway Kanyang pinangako ako’y iingatan Kabutihan at awa Nya’y kakamtan Sa lahat ng araw, sa lahat ng araw Pupurihin ko S’ya, magpakaylan pa man. *ulitin koro*
12
ANG PANGINOON AY AKING ILAW Sa t’wing araw ay sisikat Buhay ko’y lumilipas Na ‘di ko nalalaman Landasing aking tinatahak Ako nga’y naglalakbay Tungo sa kawalan Ang panginoon araw-araw Sa akin s’ya’y nakatanaw Madilim man ang aking buhay Pag-asa ko siya’t tanglaw Koro Ang panginoon ay aking ilaw Sa tuwina’y siya ang aking gabay Maging madilim man itong aking landas Ako’y payapa at panatag Dahil alam ko ang Panginoon Sa akin ay nag-iingat Siya ang aking tanglaw sa aking landas Sa landasin na kay dilim Buhay ko’y makulimlim Walang tiyak na patutunguhin Mabigat ang pasanin At sa mga maling layunin Buha’y ko’y nahumaling Ngunit ng ako’y tawagin Ng Panginoong Hesus natin Buhay ko ay nag-ningning Nagkakulay ang dating madilim
13
“ANG PANGINOON AY TAPAT” Sa Panginoong Jesus ako’y nagtitiwala Sa biyaya Nya’t habag, buhay ko ay may kalinga Sa pagsubok at lumbay, naro’n Sya’t dumaramay Ang Panginoon ay tapat kailan pa man. Koro: Biyaya Nya’t habag sa buhay ko’y sapat ‘Di man karapat-dapat na ako ay maligtas Pangako Nya’y ‘di nag-iiba, ‘di tulad ng iba Ang Panginoon ay tapat kailan pa man. Kung ika’y nanlalamig at wala kang malapitan Para bang ang daigdig sayo’y nakapasan Alalahanin mo sana na minamahal ka N’ya Ang Panginoon ay tapat kailan pa man. *ulitin koro*
14
“ARAW-ARAW” Araw-araw may problema Araw-araw may lungkot’ saya Araw-araw mapipikon ka Minsan iiyak pa. Araw-araw maghihirap Araw-araw magsisikap Magta-trabaho hangga’t makaya ‘Di naman sasaya. Koro: Pero ‘wag kang mag-alala May nagbabantay sa’yo t’wina Siya’y hindi pabaya sa’yo Dahil Siya’y kaibigan mo. Lumingon ka lang At Siya’y handang magbigay kaligayahan Siya si Jesus na tagaligtas Laging nand’yan sa’yo.
15
“AT THE END OF THE ROAD” Mayroong liwanag buhat sa itaas Pagdating sa wakas ng landas Ang mga ligalig at ang madlang hirap Doon ay mapapawing lahat. Koro: Kung ating lakbayin dito’y matapos Sa langit tayo ay papasok Doon naghihintay ang tagapagligtas Pagdating sa wakas ng landas. Ang mga pasanin, lungkot at bagabag Na dito’y ating dinaranas Sa langit na bayan ay ‘di na mamalas Pagdating sa wakas ng landas. Ating idalangin manatiling bukas Ang pinto ng Banal na S’yudad Doon igagawad ang koronang perlas Pagdating sa wakas ng landas. *ulitin koro*
16
“DAKILA KA O, DIYOS” Sadyang kaybuti ng ating Panginoon Nagtatapat sa habang panahon Maging sa kabila ng ating pagkukulang Biyaya Nya’y patuloy na laan. Katulad ng pagsikat ng gintong-araw Patuloy S’yang nagbibigay tanglaw Kaya sa puso ko’t damdamin Ikaw ang aking pupurihin. Koro: Dakila Ka O, Diyos, tapat Ka ngang tunay Magmula pa sa ugat ng aming lahi Mundo’y magunaw man maaasahan Ka lagi Maging hanggang wakas nitong buhay. Kaya Ikaw O, Diyos, aking pupurihin Sa buong mundo’y aking aawitin Dakila ang Iyong katapatan Pag-ibig Mo na walang hanggan. *ulitin koro* Koro2: Dakila Ka O, Diyos, sa habang panahon Katapatan Mo’y matibay na sandigan Sa bawat pighati, tagumpay ay naroroon Daluyan ng pagpapala sa habang panahon. Dakila Ka O, Diyos, dakila Ka O, Diyos.
17
“DAKILANG DIYOS” Dakilang Diyos kung aking pagmalasin Ang magandang sanlibutan natin Araw at buwan pati mga bituin At lahat na ng Iyong gawain. Koro: Kalul’wa ko’y umaawit sa’yo Dakila Ka, dakila Ka Kalul’wa ko’y umaawit sa’yo Dakilang Diyos, dakila Ka. Mahal na Diyos kung aking natatanaw Ang parang at mga kabundukan Ang Kalbaryo ay waring namamasdan At si Jesus na nakabayubay. Kung matapos at panaho’y lumipas At dalhin ang banal sa itaas Pupurihin Ka naming walang kupas Ikaw O, Diyos na tagapagligtas. *ulitin koro*
18
“DALAWANG BESES” (Two Times You’re Mine) Isang bata’y gumawa ng laruang bangka Yari ito sa kahoy sa ilog ito pinalutang Ngunit tali’y nalagot at ang bangka’y naanod. Nangako ang bata na lumuluha Na kanyang hahanapin nawala Niyang bangka At hindi nga nagtagal nang makita n’ya ito sa tindahan. Nag-ipon s’ya ng pera nang kanyang mabili Sya’y umuwi yakap n’ya ng masaya. Koro: Dalawang beses na ika’y akin Una’y ginawa Kita, ngayon ay tinubos Kita Dalawang beses na ika’y Akin ‘Yan ang sabi ni Jesus. Gumawa ang Diyos ng isang tao Yari ito sa pag-ibig, namuhay dito sa mundo Ngunit tipana’y nalagot at ang tao’y naanod. Nangako ang Diyos mula sa Kanyang trono Na Kanyang hahanapin nawala Niyang tao At hindi nga nagtagal dumating si Jesus Na Kanyang Anak. At Sya’y nabayubay doon sa krus Upang ang tao’y maibalik Niya. *ulitin koro* Ya’y dahil mahal ka N’ya.
19
“DARATING NA S’YA” Sa isang sandali, sa huling tunog ng trumpeta Sa isang sigaw, sa isang kisap-mata Darating na S’ya, si Jesus na ating pag-asa Bayan ng Diyos, salubungin natin S’ya. Koro: Aleluya, aleluya, aleluya Darating na S’ya Aleluya, aleluya Bayan ng Diyos Salubungin natin S’ya. Tayo ay babaguhin ng Kanyang kal’walhatian Tayo ay mabibihisan ng walang kamatayan Tunay kay Jesus, tagumpay ay kakamtan Purihin ang Diyos magpakailan man. *ulitin koro*
20
“DIYOS AT DIYOS LAMANG” (God and God Alone) Diyos at Diyos lamang ang may likha Nitong buong mundo Karangyaan man at hindi dapat maluwalhati Ang Diyos at Diyos lamang. Diyos at Diyos lamang Naghahayag ng katotohanan Gawain ng mga ‘di magpapabago Sa Diyos, sa nais Niya. Koro: Diyos at Diyos lamang Ang Hari ng buong kalawakan Lahat nang may buhay papuri iaalay Sa Diyos at Diyos lamang. Diyos at Diyos lamang Ligaya sa walang hanggang buhay Siyang pinakamimithi, magsasawa’y hindi Sa Diyos at Diyos lamang. *ulitin koro*
21
“DIYOS AY PAG-IBIG” Pag-ibig ang s’yang pumukaw Sa ating puso at kaluluwa At s’yang nagdulot sa ating buhay Liwanag sa dilim at pag-asa. Pag-ibig ang s’yang buklod natin ‘Di mapapawi kailan pa man Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang Kahit na tayo ay magkawalay. Koro: ‘Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng pagibig Magmahalan tayo’t magtulungan At kung tayo’y bigo ay h’wag limutin Na may Diyos tayo na nagmamahal. Sikapin sa ‘ting paghayo Ipamalita sa buong mundo Pag-ibig ng Diyos na s’yang sumakop sa Bawat pusong uhaw sa pagsuyo. *ulitin koro* Diyos ay pag-ibig.
22
“DIYOS AY TAPAT” Nais kong awitan Ka ng pasasalamat Ligaya ng aking puso’y nais kong ipahayag Tunay na kaybuti Mo O, Panginoon Sa mga pangako Mo’y tunay Kang matapat. Dumarating ang sandaling ako’y nalulumbay Kalungkutan sa ‘king puso’y Iyong pinaparam Puso ko’y sumisigaw ng pasasalamat Pagdurusa’y pinalimot, nais kong awitan Ka. Koro: La la la la la, O, Diyos kaybuti Mo Awit kong ito ay para sa Iyo Nais kong ialay buong buhay ko Sa paglilingkod sa’yo. Nais kong awitan Ka ng bagong awit Titik at ang himig nito’y ang Iyong pag-ibig Awit ng pasasalamat ang aking hatid Nais kong awitan Ka O, Diyos ng pag-ibig. *ulitin koro & 3rd stanza* Awit ng pasasalamat ang aking hatid Nais kong awitan Ka O, Diyos ng pagibig.
23
“DIYOS, BAKIT AKO PA?” Diyos, bakit ako pa Ang pinili mo bilang anak Batid mo ang aking buhay Bakit pinatawad Mo, Nilinis, iniligtas Sa krus, sala ko’y binayaran. Koro: Sa bawat araw O, Diyos tulungan ako Ang utos Mo’y aking susundin Buong buhay ko ay alay ko sa’yo Hanggang sa langit dumating. Puso ko ay mangha Sa dahilang pag-ibig Mo Sagana ang biyaya Mo Lawak ng pag-ibig Mo Ay ‘di kayang matarok ‘Di ko kayang maunawaan. *ulitin koro*
24
“DIYOS LANG” (Tanging Sandigan Mo) Narito ako, Panginoon Nag-iisa’t nalulumbay ‘Di batid ang aking gagawin Ako’y lito sa ‘king buhay. Ang bukas ay hindi ‘ko alam ‘Di rin alam ang gagawin ngayon Ang kailangan ko’y kaagapay Sa paglimot ng kahapon. Koro: Maging madilim man ang gabi Ay darating din ang umaga H’wag mag-alala magtiwala sa Kanya Kung ano man ang gumugulo sa isip mo Ang Diyos lang ang tanging sandigan mo. Kaibigan ko h’wag malumbay ‘Pagkat ‘di ka nag-iisa Ano man ang iyong nakaraan H’wag na itong isipin pa. Ang bukas ay hindi mo alam Ngunit ‘di ka dapat mangamba ‘Di ka N’ya pababayaan Ialay ang lahat sa Kanya. *ulitin koro*
25
“DOON SA LANGIT” Halina at awitin tahanan sa langit Inihanda ni Jesus sa m’walhati at puspos. Koro: Do’n sa langit, sa dagat na Kristal Do’n sa langit, nais kong dumatal Kabanala’t kasiyahan Doo’y mararanasan, doon sa langit. Ginto pa ang lansangan, maningning na bayan Kalahati ng ganda ay ‘di pa napasaysay. Paanyaya ni Jesus sa iba’y isaysay Upang gawa’y matapos, sa langit ay dumatal. Koda: Doo’y mararanasan, doon sa langit.
26
“‘DI KO ALAM” Matagal na rin itong panahon Walang sagot sa aking mga tanong Isip ko’y lito’t gulung-gulo ‘Di ko malaman kung paano. Koro: ‘Di ko alam, ‘di ko alam Sa ki’y mayro’ng Isang nagmamahal Tunay ngang ‘di ko alam Si Jesus pala’y pag-asa ng buhay. Ako ay may mga kaibigan Ligayang hanap sa kanila’y kulang Kasiyahan ko ay paimbabaw Puso’y lungkot ang isinisigaw. *ulitin koro* Salamat at may Jesu-Cristo Pag-ibig Nya’y tapat at totoo Katugunan sa mga hanap ko S’ya ang pag-asa ng buhay ko. Kaya’t ngayon ako’y nagagalak Dahil sa ki’y mayro’ng nagmamahal Tunay ngang aking alam Si Jesus nga ang pag-asa ng buhay Si Jesus nga ang pag-asa ng buhay.
27
“GAYAK KA BA AT HANDA NA” Araw na dakila’y natatanaw Mal’walhating pagbabalik Niya Pag-ibig, sigla at pagkakaisa Paghariin natin sa t’wi-t’wina. Koro: Gayak ka ba at handa na Sa pagsalubong sa Kanya Gayak ka ba at handa ng mukhaan S’yang makita Maghintay ng mataman Pagdating N’yang kay lapit na Gayak ka ba at handa nang Tumahang kasama N’ya. Lahat tayo’y magsama-sama Sa malapit na pagbabalik N’ya Ang ebanghelyong ating dala-dala Sa gawi at buhay ipakita. Tunay ngang ligaya at ganda Tayo’y sama-samang nagkakaisa Sa wakas maririnig natin Siya Aliping tapat at pumasok ka. Ang ginagal’wan nating mundo Kasalana’y sadlak na totoo Sa katotohana’y kaisa tayo Tapat na saksi para kay Cristo. *ulitin koro*
28
“HANDOG KO” Handog ko ang aking buhay Sa Panginoon lamang Sa Kanya’y ibibigay Ang buhay na aking taglay. Suriin, siyasatin ang buhay ko Kung nararapat sa pag-ibig Mo Ako’y maglilingkod, dinggin ang pagsamo. Ang buhay na aking taglay Sa D’yos ay hiram lamang Sa lupa hinugisan, sa lupa din wawakasan. ‘Di dapat masayang ang panahon Nang buhay ko, akoy maglilingkod Nang buong puso sa’Yo aking Panginoon Dinggin ang pagsamo, dinggin ang pagsamo.
29
“H’WAG NANG IPAGPABUKAS PA” Suriin nang mabuti ang sarili Kung ano ang iyong naging damdamin Nais mo ba, buhay na walang hanggan Ang buhay mo’y sa Diyos mo ilaan. Koro: H’wag nang ipagpabukas pa Kalooban N’ya ngayo’y gawin mo na Matulin na lumilipas ang araw at oras Baka abutan kang hindi handa. Ang pangarap na kaligtasan Sa Diyos mo lang ito makakamtan Bakit ‘di mo subukang S’ya ay paglingkuran Ang buhay mo’y sa Diyos mo ilaan. *ulitin koro*
30
“IKAW ANG AKING KANLUNGAN” Ikaw ang aking kanlungan, kapayapaan Dulot Mo ay pag-asa, tugon ko’y pagsamba Pasanin naglalaho sa ating pagtagpo Buong puso at buhay saYo’y iaalay. Koro: Diyos, Ikaw ay karapat-dapat Pag-alayan ng pagsamba Pagmamahal at pagdakila Alay sa’Yo aking Ama Tanging hangarin, na Ikaw ay sambahin. *ulitin lahat*
31
“JESUS, ITO ANG AKING AWIT” Nang ika’y ‘di pa nakikilala Na Panginoon ng buhay ko Nadarama lagi ay kalungkutan, Kabiguan, hirap, at dusa. Nang ako’y lumapit sa Iyo Isinuko ang lahat sa buhay ko Ika’y tinanggap kong Panginoon At tagapagligtas ng buhay ko. Koro: Jesus, ito ang aking awit Ito sayo’y aking ihahandog Sa pag-ibig Mong laging nadarama Dakila Ka O, Diyos purihin Ka. Pagsubok man sa aki’y dumating Ako’y hindi Mo pababayaan Ikaw lamang lagi ang pupurihin Sasambahin magpakailan pa man. *ulitin koro*
32
“KAHIT NA KUBO” Kahit na kubo ang aming tahanan Dito sa lupa’y may kasiyahan ‘Pagkat sa langit ay may naghihintay Na kahariang gintong lantay. Koro: Ako’y may bahay na ‘di nasisira Doon sa langit na walang hanggan Wala nang hapis at laging sagana Sa piling ng Diyos na dakila. Kahit sa buhay na ito’y mahirap Ang kaulayaw ay dusa at saklaw Walang sariling tirahang may galag Doon sa langit na walang hanggan. Huwag maawa sa kalagayan ko ‘Pagkat sa langit ang aking tungo Hanggang humantong sa palasyo. *ulitin koro*
33
“KAILAN PA” Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas Sa Kanya na nagbigay sa’yo ng buhay mo’t lakas Ang pangalan N’yang banal, kailan itatanyag Kung wala ng pagkakataon, at huli na ang lahat. At kung ang araw mo’y lumipas na Magawa mo pa kaya S’yang paglingkuran Kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos Kung hindi ngayon, kailan pa? *ulitin*
34
“KALIGTASAN” Saan ka nabubuhay mahal na kaibigan Sa Diyos ba o sa pansarili lamang Saan ka patutungo, langit ba o impiyerno Isipin mo ito kaibigan ko. Koro: Ngayon ang araw ng kaligtasan mo kaibigan ko Baka ang bukas ay ‘di na darating Buhay mo’y madaling lilipas at magwawakas Kaligtasan ay nasa Diyos lamang. Ika’y naging tao mahal na kaibigan Upang maglingkod sa Diyos lamang Hanapin mo ang daan tungo sa kaligtasan Nang kamtan mo ang buhay na walang hanggan. Magpasya ka ngayon habang may panahon Alinlangan pawiin mo ngayon H’wag kang magpaligaw, h’wag kang magalinlangan Pinto ng ‘yong puso ay buksan. *ulitin koro*
35
“KARAMAY ANG DIYOS” Kahit ga’nong kabigat ang suliranin Sing-taas man ng bundok Kanyang matitinag Kahit bagyong kaydilim pagliliwanagin Bawat kalungkutan mo’y Kanyang papawiin. Koro: Kung nakaya Niyang pasanin sala ng mundo Kaya ka Niyang akayin, kaibigan ko Kung tayong nagkasala, sa krus Kanyang tinubos Sa buhay mo’y lagi nang karamay ang Diyos. *ulitin*
36
“KUNG KAMTAN MO” Kung kamtan mo man ang mundo’t kanyang yaman Maging palasyo man ang iyong tahanan Makamit mo man ang lahat ng bagay sa sanlibutan Buong buhay mo ay walang kabuluhan. Koro: Hangga’t ‘di mo nadarama Ang palad ng Diyos Ama Ay ‘di mo makakamtan Ang walang hanggang pag-ibig N’ya Hangga’t ‘di mo nababatid Ang daan tungo sa langit ‘Di mo makakamtan ang Kanyang pag-ibig. Kung sa lupang ito ay laging tanyag ka Maging bata at matanda’y kilala ka Ngunit ‘di mo namamasdan si Jesus nga nang mukhaan Lahat nang ya’y pawang walang kabuluhan. Kung na sa’yo man ang lakas at talino Humanga man sa iyo ang buong mundo Kulang naman sa pagbasa ng Banal na Kasulatan Wala pa ring halaga ang karunungan. *ulitin koro*
37
“LABIS NA DAKILA” Labis na dakila ang pag-ibig mo Madilim kong landas naliliwanag mo Ang kahapon na puno ng dusa Ngayon ay pawing ligaya. Koro: Mula nang kita ay makilala Buhay ko’y tunay na nabago Salamat sa Iyo O, Cristo Jesus Kasalanan ko ay tinubos. Masdan mo ang mga ibon sa puno ng kahoy Masayang umaawit sa kagalakan Kung malaya ka na sa kasalanan Pag-ibig ng Diyos ay awitin. Ngayong batid ko na ang katotohanan Ang daang patungo sa kalangitan Ako ay aawit ng ‘sang bagong himig Kalakip nito ay pag-ibig. *ulitin koro*
38
“LANDAS” Landas na kay tinik sa Iyo’y inilaan Bawat hakbang nito’y dusa’t hirap ang laman Sa kalooban ng Ama nagpasakop Kang ganap Buhay Mo O, Jesus ang s’yang alay na sapat. Koro: Laban sa agos ng mundo Lumakad Ka sa landas Mo Laban sa agos ng mundo Landas na sa ki’y nais Mo Sa Iyong mga yapak ako ay tatahak Kahit tigib ng luha ang nilakaran Mong landas Pasakit man at dusa, dulot ng mundo’y kamtan Bawat bakas ng Iyong mga yapak Bawat hakbang Mo’y aking susundan. Mahirap man gawin kalooban Mo’y tupdin Pinilit kong sundan bakas ng Iyong mga hakbang Buhay ko’y laan, sa Iyo kailan pa man Naglilingkod sa Iyo, Panginoon hanggang wakas. *ulitin koro*
39
“LUPA MAN AY LANGIT NA RIN” Nakita ko ang tunay na pag-asa Natagpuan ang tunay na ligaya Mahal naming Panginoon, Ika’y sinasamba ‘Pagkat sa piling Mo’y walang kasingsaya. Koro: Ikaw ang nagturo ng tamang landasin Sa puso at aming damdamin Dinggin ang papuri ng bawat dalangin Dahil sa’Yo, lupa man ay langit na rin. Umasa kang Ikaw lang ang iibigin Pangalan Mo ang lagging tatawagin Mahal naming Panginoon ‘di Ka lilimutin ‘Pagkat Ikaw ang S’yang gabay ng damdamin. *ulitin koro*
40
“LUMAPIT SA KANYA” Napag-isip-isip mo ba ang buhay mo Bakit ka inilagay sa mundong ito Kung saan ka nanggaling Kung saan ang patutunguhan May dahilan kahit hindi mo ito alam. Ano kaya ang ‘yong gagawin Pagpapatuloy mo ba ang iyong mga gawain Kung magbabago ka ay simulan mo na ngayon Tutulungan ka ng Panginoon. Koro: Lumapit sa Kanya Ibigay buong sarili, puso’t kaluluwa H’wag nang maghintay pa Ngayon mo ito gawin Sapagkat ‘di mo batid Kung anong dala ng bukas, para sa’yo Kaya’t ihandog mo na ngayon Sa Kanya ang buhay mo. Buhay natin ay pansamantala Isang saglit ika’y buhay tapos wala ka na Kaya’t ngayon ang panahong harapin ang katotohanan Diyos lamang ang may buhay na walang hanggan. KODA H’wag nang magduda pa Ngayon gawin mo na. *ulitin koro*
41
“MAGING TAPAT” (Find Us Faithful) Manlalakbay tayo sa makitid na landas At nauna na sa ‘tin ang ibang Mga banal na buhay ang kanilang inalay Bilang isang patunay sa pagmamahal nila. Napaliligiran ng madlang tao Mamuhay tayo ng ibig ng Diyos Tulad ng mga nauna, mag-iwan tayo sa iba Ng mabuting halimbawa ng sila’y ‘di mawala. Koro: O, sana lahat tayo ay maging tapat Na maging isang ehemplo sa lahat Ang bawat hangarin pati buhay natin Maging ilaw na aakay sa iba Pananalig sana nati’y makita nila. ‘Pag natapos na ang buhay sa mundo At tiningnan nila ang buhay mo Lahat nawa ng bagay, lahat din ng salaysay Maakay nawa silang sumunod ng lubusan. *ulitin koro*
42
“MAHAL N’YA TAYO” Bawat isa sa ti’y nakaranas nang umibig ‘Di natin batid na ito’y nanggaling sa langit Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig Ay ang pagtubos ng dugo ni Jesus sa atin. Kung si Jesus ay ‘di masusumpungan sa ating buhay Ang hirap, sakit at lungkot sa ti’y ‘di wawalay Mga pagpapalang sa Kanya’y nagmula Kaya’t sa Kalbaryo ako’y nagtitiwala. Koro: Ngayong batid ko na’y ‘Di na mag-aalinlangan ‘Di na mag-aalinlangan ‘Pagkat alam kong mahal N’ya tayo. *ulitin*
43
“MAY NAGMAMAHAL” May nagmamahal sa’yo alam mo ba? Lagi mong kasama May nagbabantay sa’yo Saan ka man pumunta, alam mo ba? Koro: Si Jesus na Panginoon Ang tunay mong kaibigan Tunay na kasama mo Dahil nagmahal ka sa Kanya. May tumutulong sa’yo alam mo ba? Sa iyong problema Sya’y tumutulong sa’yo Hanggang malutas mo, alam mo ba? *ulitin koro* Alam mo ba?
44
“MUNTING HIMIG” Sino ba ang nagbigay ng musika Sa mga munting nilalang Na umaawit ng papuri sa Diyos Ama Mga himig mo na kay ganda S’ya ang may akda at ang lumikha Sa akin S’ya ang gumawa. Koro: Munting himig ang alay ko sa’Yo Papuri at may kagalakan na Tanging Ikaw ang Diyos na totoo Sa ‘king buhay Ikaw ang himig ko. Mga huni ng ibong masasaya at mga tunog sa parang At kung iyo namang masdan ang kalangitan Inihahayag na S’ya ang may lalang S’ya ang may akda at ang lumikha sa akin Siya ang may gawa. *ulitin koro*
45
“NARITO AKO” Ako ngayon ay nag-iisa, walang makasama Nadarama ay kalungkutan, puno ng pagdurusa Hirap ang dinaranas at hindi ko na kaya May kamay na sa ‘kiy hahawak at ibubulong Niya. Koro: Narito Ako naghihintay lamang sa’yo Kung nalulungkot at nalulumbay Handang dumamay sa iyo Narito Ako inaabot Aking kamay papawiin ko Ang iyong hirap kapag Ako ang karamay. Sa aking pagkakamali ang lahat ay nawala Hindi magtatagal mawawalan ng pag-asa Kailangan ko ay pang-unawa ituro ang landas na tama At narinig ng aking puso pagmamahal sa tinig N’ya. Ang landas na tinatahak, tinik na dinaraanan Puso ko’y humihina’t walang masilungan Ngunit ako ay may nakita sa aki’y sumasama Pangalan N’ya ay si Jesus at narinig ang tinig N’ya. *ulitin koro*
46
“O, PANGINOON” Kung ikaw ay may lumbay At sawi yaring buhay Kay Jesus ikaw ay paalalay Landas man ay madilim At puso’y may panimdim Kay Jesus ikaw ay tumingin. Koro: O, Panginoon ako’y tulungan Tunay na buhay matagpuan Sa paglalakbay ako ay akbayan Mula ngayon at kailanman Ako’y huwag iiwanan Hanggang sa langit ako ay dumatal. Kung ikaw ay may hapis At diwa’y may pagtangis Kay Jesus ikaw ay humilig Landas man ay matinik At gulo ang iyong isip Si Jesus nga ang Diyos ng pag-ibig. *ulitin koro*
47
“O, PANGINOON” (Ilokano version) Nu madagdag senan ka Ket naup upapay ka Ken Jesus kanga agpa-asibay Dalan mo ket sumipnget Ta pusom agladingit Kumita ka laeng ken Apo Jesus. Koro: O, Dios Apo tulungan nak Pudno a biag masaraksak Ti panpannagnak ket sikat pagsanggirak Ngarod itan ken kaanuman Dinak kedin panpannawan Ingganat langit siak ko iti tulungan. Penagbiag ditoy daga Ket napnoan ti problema Yeman pay ta karim, ti tumulong Toy lasag ket nakapuy Kanayon masulisog Balligi ta sikat ti kadwak. *ulitin koro*
48
“PAGGISING SA UMAGA”
Paggising sa umaga kayganda, kayganda Kayganda ng mundong ginawa Niya Ngayon ko lang nakita ang ganda ng mundo Salamat sa Diyos at ako’y binago. Koro: Lahat, lahat ay aking ibibigay Ibibigay pati aking buhay Upang purihin S’ya. Nang tanggapin ko si Jesus na aking Diyos Nabago ang lahat sa buhay ko Bagong pag-asa ang nakikita Bagong ligaya ang nadarama. *ulitin koro*
49
“PAG-IBIG NI JESUS” Pag-ibig ni Jesus ay hindi nagbabago Mahal Niya ako, ikaw, tayong lahat Pag-ibig ni Jesus ay walang kapantay Mahal Niya ang sanlibutan. Koro: Tuwa’t saya ang aking nadama kay Jesus ‘Pagkat niligtas Niya ako ng Kanyang pag-ibig Siya’y napako sa krus at ako’y Kanyang tinubos Pag-ibig Niya’y walang kapantay. Pag-ibig ni Jesus ay hindi nagbabago Mula nang Siya’y aking naging Panginoon Pag-ibig ni Jesus ay walang kapantay Pag-ibig Niya ay pag-ibig ko. *ulitin koro*
50
“PAGTATALAGA” Sa paglalakbay ko sa landas ng buhay O, Diyos ako’y patnubayan, ‘pagkat ‘di ko alam Aking daraanan, kaya’t ako’y alalayan. Koro: Hindi ang nais ko kundi kalooban Mo Ang susundin sa paglalakbay ko Ikaw ang pipili sa daraanan ko At pasasakop sa Iyo. Krus ay papasanin, hirap ay babat’hin O, Diyos ako’y marapatin Sa kaharian Mo nawa’y makarating At ako’y papasukin. O, Diyos ko’y tanggapin, ang pagtatalaga Ng puso ko’t kaluluwa Pasasakop ako’t laging tatalima Kaya sa ki’y makisama. *ulitin koro*
51
“PANAHON MALAPIT NA” Sa buhay mo ngayon, ikaw ay magsikap Magsikap na pumasok sa landas na pinapangarap Ngunit iyong pakaisipin na Ikaw ba’y handang salubungin S’ya Gusto ni Jesus na makasama ka. Koro: Ang panahon malapit na Malapit na ang pagdating N’ya Humanda ka, humanda na Ikaw, ako, tayong lahat Lahat magkakasama Walang mawawaglit kahit isa. Kaysarap manahan doon sa langit na bayan Tuwa at kasiyahan ang mapapakinggan Walang mararanasan na mga kapighatian Doon sa Ama ang buhay ay walang hanggan. *ulitin koro*
52
“PANALANGIN” Kung kailan ako’y nasasaktan Kapag higit kitang kailangan O, Jesus dumaraing sa’yo Panalangin ko sana’y dinggin Mo. Koro: Panalangin ko sa Diyos buhay ko ay pagpalain At maging matibay kahit na Anong bigat ng suliranin ko Sa bawat araw sana’y naroon Ikaw. Ang lahat ng kalayawan ko Panalangin kong lahat sa Iyo Kahit ito’y walang katuparan Marahil ay ‘di Mo kalooban. Bakit kung kailan ang puso ay nasasaktan Doon lamang kita tinatawagan Ngunit kung ang buhay ay payapa’t kaysigla Para bang nalilimutan Ka. *ulitin koro*
53
“PANGINOON” Panginoon na ang tahanan ay nasa langit Lumalalang Ka ng lahat ng mga bagay Ako ay umaawit para sa’yo Dahil sa kahanga-hangang pag-ibig mo. Koro: O, kaysakit, kaybigat ng Iyong dinanas Kayhirap ng naging kalagayan Ipinako sa krus dahil sa akin O, Panginoon, ako nawa’y Iyong dinggin. Habang ako’y naghihintay sa ‘Yong pangako Nais ko ay maging tapat hanggang wakas Tukso at mga pagsubok sa buhay Titiisin hanggang ako’y magtatagumpay. *ulitin koro*
54
“SA AKING PUSO” Kung mayroong umaawit na nag-iisa Kung mayroong umaawit sa ligaya Ako nama’y umaawit sa pag-asa Sa ‘king puso, sa ‘king puso. Koro: Sa ‘king puso may awit ng kabanalan Sa ‘king puso kami ay nagmamahalan Sa ‘king puso si Jesus ay itatanghal Sa ‘king puso, sa ‘king puso. Kung paanong dugo Niya ay naalis Kung paanong dungis ko’y Kanyang nilinis Nabatid ko timyas ng Kanyang pag-ibig Sa ‘king puso, sa ‘king puso. Kung paanong nag-aral ng kasulatan Kung paanong nagpupuyat nagdarasal Sa papuri sa Kanyang pangalan Sa ‘king puso, sa ‘king puso. *ulitin koro
55
“SA BAWAT ARAW” (Day by Day) Sa bawat saglit at bawat araw Kung pagsubok ay dumalaw man ‘Pag sa Diyos ako’y nanahang tunay Ang kalakasa’y siyang tunay Sinumang sa Diyos nagtitiwala Kakamtin kalinga Nya’t awa Ang kirot ng puso ko’t pagluha May kalakip na pagpapala. Si Jesus ang laging umiibig Siya’y handang tumulong, umaliw Suliranin sa Kanya’y ilapit Ang bigat niyan ay iibsin Ang taong sa Diyos may pananalig Sa buhay nais na ituwid Kung puno ka man ng dusa’t sakit Dahil sa ika’y iniibig. Diyos tulungan Mo ako tuwina Na manghawak ng pangako Mo Nang huwag akong maging mahina Magwagi nang dahil sa Iyo Kung kasalanan nama’y danasin Pag-ibig Mo’y h’wag magmamaliw Hanggang sa aking sapiting tunay Ang pangako Mong kalangitan.
56
“SA DIYOS UMAWIT TAYO” O, Panginoon salamat sa Iyo Dahil ako’y may mga magulang na nagmamahal sa’yo Himig nila ay musika sa tahanang masaya ‘Pagkat papuri lang sa Diyos ang naririnig sa kanila. Kaya’t sa mura kong edad ay aking nadarama Siyang nagpapasigla sa mga awitin ko sa tuwituwina. Koro: Halina munting bata / (mga bata) Samahan mo ako / (n’yo ako) Sa Diyos umawit tayo, gamitin ang talento Habang bata pa ay magsilbing halimbawang totoo Sa mga batang musmos na tulad mo at tulad ko. Magsilbi sa Diyos, ang may likha ng musika Bigay Niyang tinig ay gamitin upang marinig nila Umawit para sa Kanya at huwag mangamba Ang pag-ibig ng Diyos ay ipagsabi mo sa kapwa. *ulitin koro*
57
“SA DIYOS WALANG LIHIM” Ang buhay na tinatahak sa wari mo’y tama Ngunit kung ‘yong susuriin landas mo’y magiliw Liwanag ay lumalapit ngunit ‘di mo pansin Ang iyong mga Gawain ‘di maililihim. Koro: Tunay kabunduka’t karagatan ay mapakukublihan Ngunit sa Diyos ay walang pook na ‘di mahahayag Ang buhay man na nilalandas Ay ligtas sa kamatayan Sarili mo’y nalilinlang kung isiping paghatol Ay ‘di darating. Sinisikap mong masumpungan ang kasiyahan Ngunit bakit kadalasan ika’y nagkukulang May tinig na nagsasabing h’wag magpatuloy Landas mo ay nalilihis kaya nga’t magbalik. *ulitin koro* Sa Diyos walang lihim.
58
“SA ITAAS KA LAGING TUMANAW” (Keep Looking Up) Ang buhay ay mayro’ng lungkot At kat’waan ‘di masayod Upang sumigla kang lubos Lak’san ang ‘yong loob. Koro: Kay Jesus ka tumingin at iingatan Hindi ka N’ya pababayaan kailanman Magtiwala’t ang ulap ay mapaparam Sa itaas ka laging tumanaw. Kung ikaw ay nanlulupaypay Dalangin mo’y ‘di makamtan At nais mo ang patnubay Kay Jesus tumawag. Suson-suson man ang hirap Dibdib mo man ay may sugat Pag-uusig ay laganap Loob mo ay lak’san. *ulitin koro*
59
“SA KANYA” Mayroon akong sasabihin sa iyo Na ibig sana’y aawitin ko Ito’y tungkol sa buhay sa mundong ito Ang buhay na ibinigay ng Diyos para sa’yo. Koro: Sa Kanya mayroong kabuluhan ang iyong buhay Sa Kanya may pag-asa at pag-ibig na tunay Sa Kanya may kaligtasan Kung ika’y mananampalataya Sa Kanya may pag-asa, sa Kanya. Sa umaga’t maghapong ika’y litong-lito Sa mga pangyayaring naririnig mo Minsan ay naitatanong mo sa sarili mo Kung saan patungo ang buhay sa mundong ito. Inuubos mo ang oras sa trabaho mo Upang ika’y lalong umasenso Kailangang mawala mo sa mundong ito Ang lahat ng pag-ibig sa kayamanan mo. *ulitin koro*
60
“SA KRUS NG KALBARYO”
Kaibigan ko pakinggan mo Panawagan para sa’yo Ang buhay ay ihanda na Malapit nang magwawakas itong mundo. Koro: Sa krus ng kalbaryo Sya’y nakadipa Nag-aantay kung kalian ka lalapit sa Kanya Mga sugat na kay hapdi, Kanyang tinitiis Upang kamtan mo ang kaligtasan mo. Sa langit at lupa ay ating makikita Mga palatandaan na Malapit nang magwawakas Itong mundo. Magpasya ka ngayon Habang may panahon Alinlangan pawiin na Baka ang pintuan ay biglang magsara. *ulitin koro*
61
“SA LANDAS NG PAGDURUSA” Ang landas ng pagdurusa Doon sa Jerusalem Mga tao’y nagtungo at naghintay Nang mapagmasdan nilang Si Cristo’y hinatulang mamatay. Duguan at mayroong latay Ang buo Niyang katawan At sa ulo ay may koronang tinik At sa bawat hakbang Niya’y Paghamak ng mundo’y naririnig. Koro: Ang landas ng pagdurusa na tinahak ni Jesus Namatay Siya upang tayo’y matubos Langit ay nilisan Niya, pagka’t pinili Niya tayo Sa landas ng pagdurusa ay laan sa Kalbaryo. *ulitin lahat* Dugo Niya’y tinigis nang tayo’y luminis Doon ay naganap ang Kanyang pasakit. *ulitin koro*
62
“SA LANDAS NG PASAKIT” (Via Dolorosa) Doon sa landas ng pasakit sa Jerusalem noon Sundalo’y nag-utos na lumayo Mga taong nanunuod Kay Jesus na patungong Kalbaryo May kirot at nagdurugo Sugat sa Kanyang likod Koronang tinik nasa Kanyang ulo At Kanyang binata lait at kamatayang sigaw nila. Koro: Ang landas ng kamatayan Pinili Niya’t binata Naging handog, manunubos si Jesus Dahil iyan ang bunga ng pag-ibig Niya sayo’t sa ‘kin Minamahal Niya tayong Nagkasala kailan pa man. At ngayon ay tumatawag tayo ay hinihintay Nananabik makasama ang lahat Taos-pusong pagtugon ang papalis Sa lahat ng hirap Niya. *ulitin koro* Dugong lilinis sa sala ng tao’y Nabubo sa bayan ng Jerusalem. *ulitin koro*
63
“SA PAGSIKAT NG ARAW” Sa pagsikat ng araw sa umaga Ang buong pag-asa ang nadarama Ang haplos ng hamog sa mga dahon Ay nagbibigay buhay na pag-asa. Koro: Gaano man kadali ang nangyari sa buhay mo Ituring mo ito’y gabi na dumating sa buhay mo Hayaan mo ngang lumipas sa tulong ng Maykapal Sapagkat ng umaga ay mayroon kang pagasa. Huwag kang mabahala kaibigan Ang buhay mo sa Diyos mo ilaan Patuloy na umikot ang mundo Upang ang liwanag ay dumating sa’yo. *ulitin koro*
64
“SA PILING MO” Ang bawat sandali ng aking pagninilay-nilay ay nakatugon kay jesus At sa dugo N’yang nabuhos Lahat inako N’ya upang ako ay matubos Upang maibalik lamang sa piling N’ya. Koro: Nagkatawang-tao ang Diyos Na manlilikha at namuhay Ayon sa kalooban ng Ama Tunay ngang ako’y iniibig Niya Nawalay man S’ya ng saglit Ng buhay ay makamit ko O, Panginoon salamat sa Iyo Hirap man ang daranasin ko Magtatapat sa Iyo. Tunay ka ngang dakila, puso ko’y inuunawa Dahil sa kasalanan ko, nilinis ng Iyong dugo Sa krus ay nalagot taglay na buhay N’ya Doon Niya naihayag ang tunay N’yang habag. *ulitin koro*
65
“SA PINTO NG PUSO”
Sa pinto ng puso naroon si Jesus Kamay na may butas ang itinutuktok Sa ‘di kawasa Nya’y aking pinapasok At inanyayahang manirahang lubos. Koro: S’ya naman ay tumatawag din (sa atin) Sa iyong puso’y dinggin (ngayon din) Siya ay pagbuksan at papasukin Nang tayo’y pagpalain. Sa bundok hinahanap ang sariling Kanya Kahit nag-iisa naligaw na tupa Siyam napu’t-siyam ay iniwan N’ya Upang ang isa’y mapabalik Niya. *ulitin koro*
66
“SAAN KA PAROROON” Saan ka paroroon kaibigan ko Hindi mo batid kung sa’n ka tutungo Ang iyong pangarap ay kumikislap Ngunit ‘di malasap. Nauunawaan ko ang tangis mo Si Jesus lang ang gabay sa buhay mo Kaya’t abutin mo ang Kanyang kamay At sa Kanya’y magpaakay. Ang Panginoong Jesus lang ang daan Siya ang buhay at katotohanan Kaya’t abutin mo ang Kanyang kamay At sa Kanya’y magpaakay. Saan ka paroroon kaibigan ko Hindi mo batid kung sa’n ka tutungo Ang iyong pangarap ay kumikislap Ngunit ‘di malasap Kaya magpaakay kay Jesus.
67
“SALAMAT O, DIYOS” Salamat O, Diyos sa pagsubok sa buhay ko At ako ay lumalago at tumitibay Salamat O, Diyos natutuhan kong magtiis Kahirapan man o sakit hanggang masubok. Koro: Sa buhay kong ito’y tunay Na ‘di ko kayang tiisin Ang kailangan ko O, Diyos ay tulong Mo Ang pagsubok ‘pag dumarating Ang puso ko’y naninimdim Pangako Mo O, Diyos ay nalilimutan. Salamat O, Diyos sa tagumpay na dulot Mo At isusuko sa Iyo lakas ko’t buhay Salamat din sa paglipas nitong bagyo Mukha Mo’y namamalas ko na walang hanggan. *ulitin koro*
68
“SALAMAT SA IYO” Salamat sa Iyo Aking Panginoong Jesus Ako’y inibig Mo At inangking lubos. Koro: Ang tanging alay ko sa’yo aking Ama Ay buong buhay ko puso’t kaluluwa ‘Di na makayanang maipagkaloob Mamahaling hiyas at gintong sinukob Ang tanging dalangin O, Diyos ay tanggapin Ang tanging alay ko nawa ay gamitin Ito lamang Ama wala nang iba pa akong hinihiling. ‘Di ko akalain Ako ay bibigyang pansin Ang taong tulad ko’y ‘Di dapat mahalin. Aking hinihintay Ang ‘yong pagbabalik, Jesus Ang makapiling Ka’y Kagalakang lubos. *ulitin koro*
69
“SALAMAT SA’YO” O, Diyos nang malaman mo ang kahinaan ko Ang mga pagkakamaling nagawa’y ‘di lingid sa’Yo Ako ay nalagay sa ‘di magandang kinabukasan Ngunit ‘di mo pinabayaang mawalay. Koro: Salamat sa’Yo, Panginoon ko Binigyan Mo ng pag-asa ang pusong ito O, kay saya muli ng buhay ko Ang Ika’y maging matibay na kanlungan ko. Ngayon Ika’y laging aalalay Magsisilbing liwanag sa ‘king paglalakbay Nabuksan na ang aking damdamin Na Ika’y purihin sa pamamagitan ng awitin. *ulitin koro* Narito ako, Panginoon Nahahandang suklian ang pag-ibig Mo Dumating man ang maraming kahirapan Alam kong ‘di Mo ako iiwanan. *ulitin koro*
70
“SALAMAT SA’YO PANGINOON” Salamat sa ‘Yo, Panginoon Salamat sa buhay ko ngayon Kung hindi sa’Yo ay walang matatamo Ang mga pagsusumikap ko. Koro: Kaya sa bawat sandali Sa Iyo, ako’y magpupuri Dahil sa Iyong kabutihan aking nakamtan Ang pangarap ko’y tagumpay. Salamat sa’Yo Panginoon Salamat sa buhay ko ngayon At kailan man sa’Yo ay hindi magbibitaw Sa buhay ko’y Ikaw ang S’yang tanglaw. *ulitin lahat*
71
“SALITA” Dahil sa Salita lahat ng bagay ay nalikha Salita ng karunungan ng Diyos na lumikha Salitang nag-uugnay sa landas nang kabanalan Nagliliwanag Ka sa dilim ng sanlibutan. Koro: Salita Mo’y ilawan sa ’king mga paa Liwanag sa ‘king landas, sa aking paglalakbay Tinatahak nito buhay na walang hanggan Sa piling ni Jesus, kailan pa man. Nais kong maligtas sa makasalanang mundong ito Dapat na pag-aralan Salita ni Jesu-Cristo Salitang nag-uugnay sa landas nang kabanalan Tinatahak nito buhay na walang hanggan. *ulitin koro*
72
“SI JESUS” Kahit pilitin kong puso ko’y maging matibay Ang kabiguan ay dumarating sa aking buhay Kung ako’y naro’n na at nagdurusa Ang aking gagawin tatawagan ko S’ya. Koro: Si Jesus, kung kaylan kailangan Siya Palaging naro’n at karamay Siya Si Jesus, kapag hindi ko na makaya Sa Kanya lang ako aasa. Maiiwasan bang ang iba’y hapdi ang dulot Ang kaibigan ay nagbibigay sama ng loob Kung ako’y masaktan saan pupunta Ang aking gagawin tatawagan ko Siya. *ulitin koro* Kay Jesus lang tayo umasa.
73
“SI JESUS ANG ATING ILAW” Sa ating paglalakbay Sa mundong madilim Siya ang umakay Sa ating mga landasin. Koro: Si Jesus ang ating ilaw Siya ang tanging tanglaw. (2x) Sa ating pagdurusa Siya ang karamay Nagbigay ng pag-asa At liwanag sa ating buhay. Sa madilim na karanasan Nitong ating kasalanan Siya ay namatay Upang tayo’y maliwanagan. Si Jesus ang ating ilaw Siya ang tanging tanglaw Si Jesus ang ating ilaw Sa buhay mo at sa buhay ko Si Jesus ang tanging tanglaw.
74
“SI JESUS ANG PAG-ASA” Sa paglalakbay minsan ay kaylumbay Sa mga pagsubok kayhirap managumpay Ngunit dahil sa pag-ibig ni Cristo Pag-asa’y matatamo. Koro: Si Jesus ang pag-asa Sa pusong nagdurusa ‘Di ka N’ya iiwan kailan man Magtiwala ka lang sa Kanya. Kung ikaw ay labis na nasasaktan Dahil sa kabiguan na iyong nararanasan Ngunit dahil sa pag-ibig ni Cristo Pag-asa’y matatamo. *ulitin koro*
75
“SI JESUS AY DARATING” Sandali na lang ang panahon ng ating pagtitiis Pagsubok dapat labanan hanggang sa kamatayan. Koro: Si Jesus ay darating, tayo’y Kanyang kukunin Dadalhin sa langit na tahanan Doo’y walang problema Ano mang kahirapan, doon sa langit na tahanan. Mga kapatid, kaibigan nakita nyo’t nalaman Ang mga palatandaan sa langit at sa lupa man. Tayo ma’y nasa huling araw, panahong mapanganib Marami ang tumatakbo ng paroo’t parito. *ulitin koro*
76
"SI HESUS ANG TUNAY NA PAG-IBIG"
Ang pagmamahal ng ating Panginoon Ay isang pag-ibig na ako'y nagkaroon Palagi mang sinasaktan at kinakalimutan Ngunit ang damdamin n'ya sa akin ay laging nandoon Koro Si Hesus aking mahal ang tunay na pagibig Ang mga kamalian kanyang tinutuwid Inaalagaan ako't sinasamahan Sa bawat dagok ng buhay kong ito Ilang beses nangako ako't nabigo Ngunit pag-iintindi niya'y laging natatamo Paulit-ulit man akong lugmok sa mga kasalanan Ngunit habag sa akin ay lagi paring natatanto "ulitin koro"
77
“SIYA” Buhay ko’y may kaguluhan Ang landas walang patutunguhan Kaibigan ano kaya ang kahahantungan Ngunit salamat ako’y natagpuan Binigyan N’ya ng kapayapaan Tanging kay Jesus mayroong tagumpay. Koro: Siya ang aking patnubay Siya ang aking gabay Siya sa akin nagbibigay buhay Si Jesus ang katotohanan Si Jesus ang daan Siya ang tanging Panginoon Magpakailan pa man. At ngayon sa aking buhay Sa tuwina Siya’y nagbabantay Ang pag-ibig Niya ay tunay at walang kapantay Hinding-hindi na ako mangangamba Si Jesus ang laging kasama S’ya ay akin at ako’y sa Kanya. *ulitin koro*
78
“SIYA ANG NAGMAMAY-ARI SA’YO”
Kung sa mundo’y malungkot ang iyong buhay Dahil sa problema na iyong dinadala Mayroon kang pag-asa, malalapitan kaibigan. Koro: Siya ang nagmamay-ari sa’yo Siya ang nagbibigay ng buhay mo Siya ang kaligtasan sa ating suliranin Problema mo’y Kanyang papawiin. Sa bawat araw sa bawat sandal Ngunit ipinadama pag-ibig ng Diyos Ama. Huwag kang mag-alinlangan Na S’ya ay lapitan kaibigan. *ulitin koro:
79
“SIYA’Y AKING MAMAHALIN” Ako’y may tagapagligtas Puspos ng awa’t habag Sa mukha Nya’y mamamalas Ang ngiting may paglingap Sa puso ko’y namumugad Iingatang may galak. Koro: Siya’y aking mamahalin Lagi kong lilingapin Pagka’t ng dahil sa akin Buhay N’ya ay nakitil. Bagama’t ako’y ‘di dapat Siya ay laging tapat Lagi lang nagpapatawad ‘Pag ako’y nagtatapat ‘Pag ako’y tumitiwalag Tinatawag N’ya agad. Langit ay Kanyang nilisan Nang ako’y madamayan Dinala ang aking pasan Na mga kasalanan Kaya’t ‘di ko malilimutan Ang Kanyang pagmamahal. *ulitin koro* ‘Pagkat nang dahil sa akin Buhay N’ya ay nakitil.
80
“TAGUMPAY KAY JESUS” O aking napakinggan, hinggil sa Tagapagligtas Ang buhay Niya’y ibinigay, ako’y iniligtas Napakinggan ang taghoy dahil sa dugong dumaloy Kaya’t dagliang nagsisi, tagumpay. Koro: O tagumpay kay Jesus, ligtas akong lubos Hinanap, tinubos sa dugong nabuhos Pag-ibig N’ya ay tunay, ngayon nasa ‘king buhay Kinamtan ko ay tagumpay, linis na dalisay. O aking napakinggan, Kanyang kapangyarihan Ang pilay ay nakalakad, nakakita ang bulag At nang ako’y tumawag, “Pagalingin, pusong bagbag” Ang tagumpay ay nakamtan ko nang walang bayad. Akin ngang napakinggan, ang langit na tahanan Mga daan gintong lantay, ‘di mapapantayan Mga anghel may awit, kaligtasan yaring sambit Balang araw ang tagumpay aawitin sa langit. *ulitin koro*
81
“TANGING KANLUNGAN” Langit ay lubhang maulap Araw ay ‘di maaninag Ang gabi ay walang bituin Landas mo ay kay dilim ‘Di matanaw ang liwanag. Kaibigan ko ikaw ba’y nag-iisa Buhay mo’y puno ng pangamba Dilim ay ‘di magtatagal Liwanag ay muling daratal H’wag mawawalan ng pag-asa. Koro: Liwanag ay muling sisikat sa landas mo Mayro’ng bagong pag-asang naghihintay sa’yo Pagsubok man ay dumating sa buhay mo Si Jesus lang ang tanging kanlungan mo. Ang landas ba ngayong nilalakbay Kay kipot at tila ba walang hanggan Pag-asa mo ay napapawi Naging luha ang iyong ngiti Kasawia’y iyong tinataglay. Ngunit ngayon narito ang Kanyang kamay Nakahandang sayo’y umagapay Pasanin mo’y Kanyang babathin Landas mo ay pagliliwanagin Muli bagong umaga’y darating. *ulitin koro*
82
“TUMINGIN KA SA LANGIT” Bakit ka nalulumbay At bakit ka nanlulupaypay Ang lahat ay ‘di pa tapos Para sayo’y may bukas pa. Pasanin mong sariling krus At susunod ka sa Kanya Siya ang tanging buhay mo Puso Niya’y para sa’yo. Koro: Tumingin ka sa langit ‘Pagkat nando’n ang pag-asa Ang mga bagay sa lupa Ay nagdudulot ng luha. Tumingin ka sa langit Pagdating Niya’y malapit na Uulitin itong awit Pagdating Niya’y malapit na. Sa mundo’y sadyang ganyan Marami kang kabiguan Ngunit mananaig ka rin Kung Siya ang iyong susundin. Sarili ay ‘wag asahan ‘Pagkat walang magagawa. Ang Kanyang awa’t biyaya Ang siya mong kanlungan. *ulitin koro*
83
“TUNAY KANG MATAPAT” Tunay Kang matapat, D’yos nami’t Ama ‘Di nagbabago, ‘di nag-iiba Mahapon, matanghali, maumaga Sa buong panahon, matapat Ka. Koro: Tunay Kang matapat, tunay Kang matapat Araw-araw aking namamalas Ang Iyong kabutihang walang kupas Tunay Kang matapat, sa paglingap. Tag-araw’t tag-ulan at tag-ani Araw, buwa’t bituin sa gabi Nag-aawitang lagi’t sum’saksi Sa katapatan Mong anong laki. Kapatawaran at kapayapaan Mga pangako Mong umaakbay Lakas ngayo’t pag-asang sumisilang Ang lahat na ito’y Iyong bigay. *ulitin koro*
84
“TUPANG LIGAW” Malapit na namang lumubog ang araw Dilim ng gabi’y darating na naman Sa bawat paghimlay mo, isip mo’y naglalakbay Nakatanaw sa kawalan. Koro: Kayamanan at lahat ng kalayawan Wala pala itong kabuluhan Kung si Kristo ay wala pa sa iyong buhay Para kang isang tupang ligaw. Lumipas na naman ang isang araw sa buhay Takbo ng buhay mo’y ‘di mo namamalayan Sa bawat sandaling darating at papanaw Buhay mo’y tila parang kulang. *ulitin koro*
85
“WALANG KABULUHAN” (Ecclesiastes) Walang kabuluhan (2x) Ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng araw Kung nagawa mo ba ang lahat ng gusto mo Ito’y walang kabuluhan Kung ‘di rin lang langit ang tungo. Koro: O sayang (2x) ang mga bagay Na ating pinaghirapan Kung ito’y nagdadala sa’yo Na malimutan si Jesu-Cristo. Walang kabuluhan (2x) Ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng araw Kung sayo’y karunungan at talino Ngunit naging mangmang sa aral ni Cristo. Walang kabuluhan (2x) Ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng araw Kung makamit mo man ang mga bagay sa mundo Ngunit nalalayo na buhay ni Cristo. *ulitin koro*
86
“YAKAP NG PAG-IBIG” Diyos Ika’y naririto At kahit na ako’y nagkamali Ikaw ay hindi nagbabago. Minsan ako’y naliligaw Kapag landas Mo ay ‘di ko tinatanaw Ay panglaw itong buhay. Tulungan Mo akong manumbalik At sayo’y laging kumapit. Koro: Diyos Ikaw ang s’yang kublihan ko Ligtas ako sa piling Mo. Kahit may bagyo’y nadarama Ang init ng pag-ibig Mo. Pagsubok ay dumarating Ilang pagsubok bang kailangan Upang aking mabalik. Ika’y laging kasama ko Anong mangyari man Aking Diyos ako ay tulungan. Koro2: Na Ikaw ang s’yang kublihan ko Ligtas ako sa piling Mo Kahit may bagyo’y nadarama Ang yakap ng pag-ibig Mo.